Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 8

“Kasi me mas exciting pa akong lugar na gusto kesa du’n.”

“E, saan nga ‘yun?”

“Hindi pa eksaktong natutumbok ng isipan ko. Pero alam, ko hindi lang exciting ‘yun, kundi thrilling pa.”

Hindi kumibo si Aleli. Batid niya kasi ang ugali ng nobyo. Pag may binalak itong isang proyekto, hindi bibitiwan ‘yun hangga’t hindi natatapos lalo na’t ‘yun ay para sa sariling kapakanan.

Makaraan nga ng ilang araw tuwang nagbalita ito sa kanya.

“Ihinahanda ko na ‘yung lugar na pagha-honeymoon-an natin.”

“Talaga.saan…?”

“Hindi p’wedeng sabihin, surprise!”

Napasimangot siya.

“An’daya mo naman, ikaw lang ang nakakaalam.”

“Malalaman mo rin sa honeymoon natin. Pagkatapos ng ating kasal, diretso na kitang dadalhin du’n.”

“Sigurado ka ba naman na magugustuhan ko ‘yun?”

“Tiyak ‘yun. Mahilig ka sa thrill e.”

Pinanabikan nga ni Aleli ang pagdating ng honeymoon nila para malaman kung saan ang lugar na iyon.

At ‘yun nga ang pagpapatayo ni Randy ng bahay kubo sa gitna ng palanas na tinabunan ng lahar. Nagustuhan niya ang ideya. Nagandahan siya. Hindi pa pareho nila nararanasan ni Randy ang matira sa ganu’ng lugar at bahay.

Subalit hindi nila pareho akalain na sa ganito pala hahantong ang lahat. Nakapangingilabot na honeymoon.

“Randy, o Randy, bakit tayo nagkaganito…” Humahagulhol na nasambit ni Aleli habang patuloy ang pagtabon sa kanya ng lupa ng dalawang bangkay.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

6 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 8”

  • 1 MAY says:
    August 4, 2010 at 9:30 am

    AWWWWWWWWWWW..KATAKOT…..

    • 2 marie says:
      November 20, 2012 at 10:37 am

      Siguro yong nah sulat ito walang maisip n magandang romance story at ito p tlaga isinulat corny putik

  • 3 tin says:
    August 9, 2010 at 12:39 pm

    Ung author nito for sure abnormal!!! Walang saysay!

  • 4 myra delposo says:
    October 23, 2010 at 4:02 pm

    wla dw saysay ang ganda nga eh,kung walang saysay bkit binasa mo?basta aq naga2ndahan ako exciting basahin,akala q ha2ntong ang story sa tampuhan at lambingan hnd pla bsta pra sken magaling ang nag sulat ni2

  • 5 kYro Pkblover says:
    October 26, 2010 at 12:44 am

    yaHh tamAa :))
    haha xcitinq nq
    s2ry .. <3 it .. !!

  • 6 Angelwiln says:
    July 1, 2012 at 3:58 am

    exciting! =)

Mag-iwan ng mensahe...