Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 1

Parang inis na napatingin si Mark sa labas ng bakuran. “So what?” sabi nito. “Ano naman ang magagawa ni Pareng Dante kung patulan ng sister niya ang Rado Vargas na iyon? Binata naman pala iyon at hindi kasal sa dating ka-live-in!”

Napabuntunghinga si Sammy at tinungga ang laman ng kanyang baso. “Aahhh…!” aniya nang wari’y muling mapaso ng matapang na whiskey ang kanyang lalamunan. “Hanep talaga tong Chivas. Ang tapang. Whew!”

“Manligaw ka na lang sa iba, ‘tol,” ani Mark. “Kalimutan mo na si Divina.”

Tumango siya. “Ano pa nga ba’ng magagawa ko? Pero na-love-at-first-sight talaga ako sa babaing ‘yon. Ang ganda kasi ng boobs. Lintik ang sex appeal.”

“Marami ka pang makikitang mas seksi at mas maganda sa kanya.” Tumawa si Mark. “Para ka namang hindi nagbibilang ng s’yota!”

“Oo nga. Kaso . . . kung sino pa ang gusto kong totohanin, doon naman ako nabasted. Ang pagkakamali ko pa e . . . naibigay ko sa kanya ‘yong engagement ring nina Daddy at Mommy.”

“Ano?” pandidilat sa kanya ni Mark. “Ang laki ng sentimental value ng singsing na ‘yon! H’wag nang sabihing ang bato niyon e worth a fortune na rin naman. Bakit naman ibinigay mo sa kanya ‘yon e hindi mo pa pala s’yota?”

“Buong akala ko nga, in the bag na siya, e.”

“Ay, tanga! Kapag nalaman ni Mommy ang tungkol do’n, ipababawi sa ‘yo ‘yon!”

“Naman!” Kahit lalaki’y napairap siya sa kapatid. “Sabihin nang worth more than a hundred thousand pesos iyon, mapapalitan ko naman siguro yon, Kuya Mark!”

“Hindi na nga ‘yong monetary value ang importante, e. Hindi mo ba alam na ang original na me-ari niyon e si Lola Remy? Engagement ring ‘yon ng lola’t lolo natin sa father side, ‘tol! Ipinamana ni Lola Remy ke Daddy, at naging engagement ring naman nila ni Mommy. Bakit nga ba sa yo napunta ‘yon?”

“Aba’y ewan ko,” aniya. “Ibinigay sa ‘kin ni Mommy, e. Siguro nga, mas paborito niya ako kesa sa ‘yo.”

Napatingin si Mark sa kanilang parental house. Mas malapit sila sa bakod ng lote kaysa kongkretong bahay. Pagkat pamilyado na ay hindi na nakatira roon si Mark. May sarili na itong bahay sa Roxas District, QC.

Dinalaw nito nang Linggong iyon ang kanilang mommy na kaaalis lang, makikipag- mahjong sa isang amiga sa Mandaluyong City. Naging dibersiyon na ng kanilang ina ang pagmamadyong mula nang mabiyuda.

Mga Pahina: 1 2 3

24 responses to “The Neighbors – Kabanata 1”

  • 1 niekk0h says:
    August 5, 2009 at 10:25 pm

    Haayz ka2bitin p0,im s0 exited na 4 d nxt epis0de,pki upload n p0 plz..Hehe, tenx 4 d auth0r!,galing nio po tlaga,ganda ng st0ry pero kabitin!

  • 2 Ja-ne says:
    August 6, 2009 at 10:27 am

    maganda..sana may nxt chapter na…more power & god bless

  • 3 roma says:
    August 6, 2009 at 10:40 am

    ganda….sana may next agad ksi nakakabitin

  • 4 dionabeth says:
    August 6, 2009 at 1:29 pm

    maganda cgro ang kwento nito sana po arw araw merong bgong labas na kwento.more power and gu luck.

  • 5 lonely prince says:
    August 6, 2009 at 7:34 pm

    ay.. nk2bitin… sana i-upload n ninyo ung sususnod… kasi parang na future sight q na maganda ang story n ito… i can’t wait to read and finish this story… i hope the author will read our comments… tnx nga pala at sinulat nya ito… may libangan nanaman ako at mawawala p ang stress q s school…

  • 6 just-me says:
    August 8, 2009 at 9:11 pm

    I love the stories n this site.

    Pwede bang makontact ang tagapamahala o may-ari nitong homepage? May private question lang ako, about this page.

    Please…please get in touch with me whoever you are.

    • 7 lonely prince 14 says:
      September 1, 2009 at 7:46 pm

      sana n kontact din ntin ung tiga-pamahala ng homepage…
      pra mkapagsuggest to make this homepage look nicer…
      pra mas maganahan ung mga reader sa pagbabasa..
      un e opinion ko lang nmn…

    • 8 Tagapangasiwa says:
      September 2, 2009 at 5:55 am

      hello lonely prince 14, you can leave your suggestions po on how to improve this site by emailing support@tagalogpocketbooks.org or by just leaving your comments anywhere in this site, we’re currently monitoring all comments nman po eh, pati yung mga authors, mino-monitor nila yung comments sa stories nla.

      kung meron po kayong ideas, wag po kayo mahiyang i-share sa’min, we’re nice people nman po eh 😉

  • 9 leonalyn yawing says:
    August 14, 2009 at 11:43 am

    ahm……………….sana meron po kayong pocetbooks na ii-lagay safriendster namin weekly.plz………………………………………………………ganda po kac ng story nyo…………………………………..

  • 10 anne says:
    October 4, 2009 at 3:00 pm

    kabitin nmn po! pls share with us your story…….

  • 11 madskie says:
    December 14, 2009 at 11:20 am

    kakatawa aman 2ng kwento prng pinagdaAnan cue ajaja

  • 12 samanne_ca says:
    December 14, 2009 at 2:51 pm

    ang ganda ng mga stories sana pa po marami pang stories tapos ko na po kasi nabasa lahat sana po may kasunod pa po thanks., and goodbless more powers.

  • 13 LHEE says:
    February 5, 2010 at 11:19 am

    bkit poh lang chapter 4 ung my prince charming????kabitin..ganda p nmn sana…sana po meron ng kasunod un..thanx poh and god bless.

  • 14 lyka says:
    June 27, 2010 at 9:26 pm

    ganda waah?

  • 15 kharla says:
    July 7, 2010 at 11:50 am

    alam nyo po mhilig rin ho aqng gumuwa ng stories 4 na po ang ntapos q pero
    mas mganda ho ang ginawa nyo sana po someday magiging writer din po aq…

  • 16 riza says:
    September 1, 2010 at 11:03 am

    …….ang bitin naman……but it’s okay,i’m willing to wait naman eh….!

    God Bless!!!

  • 17 priex says:
    September 12, 2010 at 9:34 am

    helu…

  • 18 priex says:
    September 12, 2010 at 9:35 am

    psssssssssst… hay….

  • 19 mash says:
    September 12, 2010 at 9:36 am

    psssssst…

    KAIN NA TAU…

  • 20 rhianne says:
    February 8, 2011 at 2:31 pm

    haixt..kakabitin nman..
    gus2 ko nang mbasa ung continuation ng story na ‘to..

  • 21 nyahaha18 says:
    October 20, 2011 at 1:48 am

    ang gandaaaaaaaaaaaaaaaa :DDDD nakakaiyak, sobrang nakakatoucH!! bakit ba kc ngaun ko lng nkta ang site na to,, god bless po! 😀

  • 22 theajanelee says:
    January 25, 2012 at 6:04 pm

    kakabitin kelan naman ito iuupdate 😀

  • 23 sweetart_kharen says:
    September 18, 2012 at 10:35 pm

    nice story ……..nabitin ako talaga sa kwento ……..pano po ba umorder ng pocketbook tru overseas?gusto ko bumili ng marami basta ba mura

  • 24 aika08 says:
    October 12, 2012 at 11:29 am

    nakaka inspire ang story na i2… nkakatouch… 🙂

Mag-iwan ng mensahe...