Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 10

“Nobya mo, Cuervas?” tanong ng katabi niya nang patakbuhin na niya ang kotse.

Tatango sana siya pero naalala niyang isa na naman iyong pagyayabang. “Kaibigan ko pa lang ho, Mang Romy. Kung bubuwenasin ho… baka maging s’yota ko siya.”

Tumawa ang matandang inhenyero. “Papasa ka ro’n. Parang payag nang tawagin mo ng sweetheart, e.”

“Magdilang-anghel nawa kayo.”

Ayaw man niyang aminin sa sarili, nang nagdaang ilang araw, parang himalang napawi ang sugat ng puso niya na likha ng pagkabigo kay Divina.

Nang araw ng Linggong iyon na biglang-bigla’y pinagkunwari siya ni Liza na sila’y magnobyo para hindi na ito kulitin ni Boboy, lihim siyang natuwa, lalo na nang humawak pa sa palad niya ang dalaga.

At hindi niya akalaing magagawa niya iyon — ang gawaran ito ng halik sa mga labi. Nabigla rin siya. At akala niyay ikinagalit iyon ni Liza pagkat tumalim sandali ang titig nito sa kanya.

Pero ngayong Biyemes nga’y muli pala silang magkukunwaring magnobyo. Hindi pa ma’y excited na agad siya.

Sana, huwag na lang siyang pumayat para maistak sa daliri niya ang singsing habambuhay, nangingiting naisaloob niya. Hindi naman siya talaga gaanong katabaan. Okey na rin ang figure niya. Para lang siyang ‘yong batang artistang si ano… si… sino nga ba ‘yon? A, si Judy Ann Santos… ‘yon na nga!

BIYERNES, naglalaro nga ng scrabble sina Boboy at Liza nang dumating si Sammy sa apartment. Mag-aalas-siyete na ng gabi, ika-2 na ng Hunyo.

Parang hindi pa siya makapaniwala. Malaki na ang ipinayat ni Liza. At natatakot siyang baka ilang araw pa’y matanggal na ang singsing sa daliri nito.

“Halika, sweetheart,” hila nito sa isang kamay niya matapos buksan ang pinto. “Naglalaro kami ni Boboy ng scrabble.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

7 responses to “The Neighbors – Kabanata 10”

  • 1 aiza says:
    September 11, 2009 at 9:08 am

    ay anu ba yan…bitin..pede po ba matapos na..nakkalimutan ko na ung kwento pag matagal na ih., ty po ganda ng story promise..

  • 2 lonely prince 14 says:
    September 12, 2009 at 1:56 pm

    ganda po ng story… sana mai-post n po ninyo ung next chapter… bkit ang tgal ng bawat chapter… siguro pinag-iisipan talaga… sana bigyan pa po kau ni GOD ng more beautiful ideas… tnx… O:-)

  • 3 g-yan says:
    September 12, 2009 at 10:58 pm

    aba talaga natamaan si Cuervas! haha!
    Ang galing naman ni Liza!
    Ang problema nya lang parang nagkakavirus na sya! hahaha!
    sana magsulat po ulit kayo ng bagong chapter…Thank You! ^_^ O_O

  • 4 bunny says:
    September 13, 2009 at 8:02 am

    aww bitinnnnn

  • 5 reEna says:
    September 13, 2009 at 11:21 am

    haAy naku poh, ganda ng story
    kasO beTen,,,hmp!!
    pedE tapuXn u na poh.’?
    ty poh….

  • 6 regina14 says:
    September 13, 2009 at 11:52 am

    sana maipost na yung ibang chapter….
    ang ganda ni liza
    haba ng hair……

  • 7 mae cherelle llemit says:
    February 21, 2010 at 9:37 pm

    aba.. ayos aH! Chox maxaDo toNG pocketstory naToh toL…

Mag-iwan ng mensahe...