Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 10

KINABUKASAN, alas-otso pa lang ng gabi’y nakaimpake na ang mga damit ni Sammy sa kanyang maleta. Bukas ng umaga, Linggo, ay susunduin siya ng pick-up van na ang nagmamaneho ay ang kanilang company driver. Dadaanan nila si Dante sa Kamuning at deretso na sila patungong Baguio. May reserbasyon na sila sa isang hotel doon. Ang pangala’y Palomino, malapit lang sa Camp John Hay na pagtatayuan ng kanilang bagong project.

Napailing siya nang suriin ang laman ng kanyang maleta. Ang kanyang mommy ang nag-impake ng mga damit at gamit niya roon. Kaya pala mabigat at bundat ay dalawa ang makakapal na kumot, apat ang bath towel at may kasama pang inflatable pillow.

Inaalis niya sa maleta ang isang kumot nang pumasok sa kuwarto niya si Mrs. Consuelo Cuervas.

“Bakit ginulo mo na naman ‘yan e nakaayos na?” naiinis na tanong nito. “Iiwan mo ba ang isang kumot?”

“Oho. Ang bigat, e.”

“Malamig doon. Sobra ang lamig ngayon doon. E kung —”

“Sanay ho ako sa malamig, Mom.”

“O, e, bakit pati naman ‘yang unan e iiwan mo? Hindi maganda ang mga unan sa hotel, anak. Kaya nga bumili ako ng inflatable kahapon, e. Nasa isang compartment d’yan yong Vicks Vaporub, kasama ang vitamin C mo at isang botelyang rubbing alcohol. Pati pang-shave, cologne, toothbrush, toothpaste, toiletpaper… nariyan nang lahat ang mga kailangan mo at —”

Naiiling na naupo siya sa tabi ng maleta at bumira ng higa pahalang sa kanyang kama.

“Tamo tong batang ‘to…!”

“Mom, hindi na naman ako bata, e,” aniyang ipinatong ang isang braso sa noo. “Pati ba naman Vicks Vaporub —”

“Ano? E kung sipunin ka roon? Kung magkasakit ka, sino’ng titingin sa ‘yo roon?”

“Karaming Igorota ro’n!” aniyang painis na bumangon. “At hindi pa makulit na tulad n’yo.”

“Tarantadong ‘to, a!” Tinalikuran siya ng ina. “Halika na’t nakahain na. H’wag ka nang aalis ng bahay. Baka tanghaliin ka na naman sa paggising. Tong batang ‘to… ang hirap asikasuhin maski na kelan. Naku, mahihirapan sa ‘yo ang magiging asawa mo, Sammy!”

Naiiling, pabuntunghiningang sumunod siya sa ina.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

7 responses to “The Neighbors – Kabanata 10”

  • 1 aiza says:
    September 11, 2009 at 9:08 am

    ay anu ba yan…bitin..pede po ba matapos na..nakkalimutan ko na ung kwento pag matagal na ih., ty po ganda ng story promise..

  • 2 lonely prince 14 says:
    September 12, 2009 at 1:56 pm

    ganda po ng story… sana mai-post n po ninyo ung next chapter… bkit ang tgal ng bawat chapter… siguro pinag-iisipan talaga… sana bigyan pa po kau ni GOD ng more beautiful ideas… tnx… O:-)

  • 3 g-yan says:
    September 12, 2009 at 10:58 pm

    aba talaga natamaan si Cuervas! haha!
    Ang galing naman ni Liza!
    Ang problema nya lang parang nagkakavirus na sya! hahaha!
    sana magsulat po ulit kayo ng bagong chapter…Thank You! ^_^ O_O

  • 4 bunny says:
    September 13, 2009 at 8:02 am

    aww bitinnnnn

  • 5 reEna says:
    September 13, 2009 at 11:21 am

    haAy naku poh, ganda ng story
    kasO beTen,,,hmp!!
    pedE tapuXn u na poh.’?
    ty poh….

  • 6 regina14 says:
    September 13, 2009 at 11:52 am

    sana maipost na yung ibang chapter….
    ang ganda ni liza
    haba ng hair……

  • 7 mae cherelle llemit says:
    February 21, 2010 at 9:37 pm

    aba.. ayos aH! Chox maxaDo toNG pocketstory naToh toL…

Mag-iwan ng mensahe...