Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 10

“SPEAKING of magiging asawa, palagay ko ho e natagpuan ko na siya, Mommy,” kumakain na sila ng hapunan nang sabihin niya sa ina. “I’m now very positive about it.”

“Na naman!”

“Hindi na ho ako masusulot ngayon, Mom. She’s beautiful pero…”

“Pero ano?”

“Medyo mataba nga lang.”

Napatawa si Mrs. Consuelo. “Si Liza siguro ang tinutukoy mo, ano?”

“Oo, Mom. Ewan ko ba kung bakit nang malaman kong sa kanya napunta ‘yong singsing, hindi na maalis-alis sa isip ko ang kanyang mukha. Parang bigla na lang siyang gumanda sa tingin ko.”

“E bakit — sa talaga namang maganda ang batang ‘yon! At ang gaan agad ng loob ko sa kanya nang una ko siyang makita. Me katabaan nga lang pero kapag nag-reduce ‘yon nang konti, hindi na halata.”

“Ang laki na nga ho ng ipinayat niya, e.”

“O, e, ‘yong singsing?”

“Kagabing nasa disco kami, sinubukan niya uli na alisin sa daliri. Nasasaktan pa rin siya kapag hinihila. Sa mismong buto ng daliri kasi di magkasya, e.”

‘”Yon nga ang ipinag-alala ko noon pa. Nang makita ko ang singsing sa daliri niya, duda ko e sapilitang ipinasok.”

“Oo nga ho. At paglampas sa butong-daliri, bumaon na sa laman. Kaya ‘ayun… isang buwan na siyang nagpapapayat e ayaw pa ring matanggal. Pero sana nga e h’wag na lang matanggal.”

Napahagikhik si Mrs. Cuervas. “At bakit — ‘yon ba ang gagamitin mong gimik sa panliligaw sa kanya?”

“Nope. Unti-unti ho talagang na-in-love ako sa babaing ‘yon. And I think the feeling is mutual.”

“Na naman!”

“Look, Mommy, ibang-iba siya kesa ke Divina Morales! Halata ko ngang nai-in-love na rin siya sa akin.”

“Siguraduhin mo nga muna bago ka magsalita nang ganyan, ‘no? Don’t start counting the chicks if the eggs are not yet hatched!”

“Thanks for that advice, Mom. But I think I’m a lot wiser now.” Bumagal mayamaya ang pagnguya niya ng pagkaing nasa bibig at parang nag-iisip na napatitig sa kawalan.

“Sammy? Ano’ng iniisip mo, anak?”

Seryosong tumingin siya sa ina. “Mom… I really want her as my wife!”

Tumango si Mrs. Consuelo. Nasa mga mata ang lahat ng pagmamahal sa anak, sinabi niya: “I will be very happy to be her mother-in-law.”

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

7 responses to “The Neighbors – Kabanata 10”

  • 1 aiza says:
    September 11, 2009 at 9:08 am

    ay anu ba yan…bitin..pede po ba matapos na..nakkalimutan ko na ung kwento pag matagal na ih., ty po ganda ng story promise..

  • 2 lonely prince 14 says:
    September 12, 2009 at 1:56 pm

    ganda po ng story… sana mai-post n po ninyo ung next chapter… bkit ang tgal ng bawat chapter… siguro pinag-iisipan talaga… sana bigyan pa po kau ni GOD ng more beautiful ideas… tnx… O:-)

  • 3 g-yan says:
    September 12, 2009 at 10:58 pm

    aba talaga natamaan si Cuervas! haha!
    Ang galing naman ni Liza!
    Ang problema nya lang parang nagkakavirus na sya! hahaha!
    sana magsulat po ulit kayo ng bagong chapter…Thank You! ^_^ O_O

  • 4 bunny says:
    September 13, 2009 at 8:02 am

    aww bitinnnnn

  • 5 reEna says:
    September 13, 2009 at 11:21 am

    haAy naku poh, ganda ng story
    kasO beTen,,,hmp!!
    pedE tapuXn u na poh.’?
    ty poh….

  • 6 regina14 says:
    September 13, 2009 at 11:52 am

    sana maipost na yung ibang chapter….
    ang ganda ni liza
    haba ng hair……

  • 7 mae cherelle llemit says:
    February 21, 2010 at 9:37 pm

    aba.. ayos aH! Chox maxaDo toNG pocketstory naToh toL…

Mag-iwan ng mensahe...