Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 11

BAGO nag-umpisa sa paghuhugas ng kanilang mga pinagkainan nang gabing iyon, ipinamulsa ni Liza ang singsing sa suot niyang pula at bulaklaking daster na hiniram lang niya kay Divie.

Kusa nang dumudulas at natatanggal sa kanyang daliri ang singsing, lalo na kapag may sabon ang kanyang kamay.

Hindi na naging kagulat-gulat sa kanyang mga kasambahay, kapitbahay at kaopisina ang transpormasyon niya mula sa isang ala-Ruby Rodriguez tungo sa isang Mickey Ferriols na pigura.

Sapagkat naging saksi ang mga ito sa unti-unti niyang pagbabago sa nagdaang mahigit na isang buwan. Nasanay na agad ang mga ito sa “bagong siya,” isa nang 24-year-old lady na may katakam-takam at whistle-bait na pigurang 35-24-35.

Gayunman, noong nakaraang Miyerkules na hindi niya naisuot ang kanyang office uniform, sinita siya ng babaing guwardiya na nasa information desk sa ground floor.

Ngumiti pa siya rito nang patungo na sa elevator. Pero tumayo ito at siya’y tinawag: “Miss, sandali lang…”

“Bakit?” kunot-noong lingon niya rito.

“Kailangan mo ng visitor’s ID card para —” Napatigil ito sa pagsasalita at napamulagat sa kanya. “Ay, Diyos ko… ikaw ba ‘yan, Liza?”

Napatawa siya. “Ako nga. Nasa dress shop for repair yong uniporme ko kaya naka-plain clothes ako ngayon.”

Naiiling at nakatawa ring nagbalik na ang lady guard sa desk nito. “Hindi ka lang kasi pumayat at sumeksi,” sabi nito. “Pinahaba mo rin ‘yang buhok mo.”

Ngayon, pati ang daster ni Divie ay nahihiram na rin niya. Kaninang naghahapunan sila, kasalo si Rado pagkat di raw nito nagustuhan ang maalat na sinigang ni Tiya Lucy, ay pabirong sinabi sa kanila ng binata: “Puwede ba, huwag kayong sabay na magsusuot ng duster na magkakulay? Naduduling ako, e! Para kayong iisang tao na nadodoble sa tingin ko!”

“E kasi, kapag ‘yong mga dati kong daster ang isinusuot ko,” aniya, “ang luwag na sa kili-kili at mababa nang masyado ang neckline. Minsan nga, nasisilip na yata ni Boboy ang dibdib ko!”

Tumawa nang malakas si Rado. “Maski nga ako, e! Natutukso ring manilip sa ‘yo kapag pabura-burara ka!”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

16 responses to “The Neighbors – Kabanata 11”

  • 1 Charm_ganda says:
    September 15, 2009 at 1:38 pm

    Its so nice story and super nakakakilig…Go…..sam!!!!!!!

  • 2 daniel says:
    September 15, 2009 at 2:14 pm

    sana matapos na ito
    ito lang talaga ang
    inaabanggan ko

    sana mapost na yung mga last episode
    nabitin kc ako sa istorya……

    sana maipost na siya
    lagi akasi po akong nagaabang ng last episode
    di ko alam kung sino magkakatuluyan…

  • 3 daniel says:
    September 15, 2009 at 2:16 pm

    i will wait for this story
    kc nakakakilig…………
    sina liza………………….

  • 4 lonely_prince14 says:
    September 15, 2009 at 5:21 pm

    ang ganda ng story…
    hay…
    love…
    love…
    love….
    is between the both of them…
    🙂

  • 5 dionabeth says:
    September 15, 2009 at 8:12 pm

    ganda po ng story sana po everyday ang postingnya

  • 6 tullio says:
    September 16, 2009 at 5:54 am

    aaannnnggg GGGGAAAANNNDDDAAAA!!!! ng story nya!!! sana atapos na ang last episode nya!!!! hihintayin ko to!!!! THANK YOU VERY MUCH!! sa pag bibigay nyo ng magagandang story nyo!!!!

  • 7 GINA says:
    September 16, 2009 at 12:54 pm

    nakaka-in love ang story, sana happy ending… isunod na po nyo agag ang karugtong..thanks for the nice story…

  • 8 Neeko says:
    September 16, 2009 at 8:08 pm

    Hehe malapit ng matpos yung nobela ko!! suportahan nyo din ha salamat ha?:)

    • 9 lonely_prince14 says:
      September 19, 2009 at 6:35 pm

      cge b… full support aq basta b mganda e…
      goodluck… ganbatekudasai…

  • 10 GINA says:
    September 17, 2009 at 10:52 pm

    Hi Neeko! OO susuportahan ko,namin kaya pls! po i-publish na nyo nobela nya. Thanks po!!

  • 11 g-yan says:
    September 18, 2009 at 1:20 am

    nakaka-excite naman!
    Ang sweet pa rin ni Sammy!
    Sana nga ma-inlove sa kanya si Liza…
    kasi kung hindi, kawawa naan siya. Diba?

  • 12 g-yan says:
    September 18, 2009 at 1:21 am

    ay, oo, Thank you pala!
    THANK YOU!!^_^

  • 13 knightmare.... says:
    September 18, 2009 at 4:41 pm

    ganda na man ng story nla sna matuloy na sa susunod na yugto…….. ganda talaga

  • 14 daniel says:
    September 19, 2009 at 4:59 pm

    go sam….

    ganda talaga ng story na to……

    go lang ng go……..

  • 15 regina14 says:
    September 20, 2009 at 11:59 am

    ay bitin pa rin…………

    kakakilig talaga………..

    sana matapos na……..

    go sam..

  • 16 rose says:
    October 20, 2009 at 8:30 am

    d q msydng maintndhan

Mag-iwan ng mensahe...