Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 11

“A, gano’n?” ani Divie na galit na piningot ang isang tainga ng nobyo. “Para mo na ring kapatid ‘yannnn…um!”

“Aray ko, sweetheartl” ngiwi ni Rado. “Wala akong malisya do’n. Paghanga lang! Diyos ko naman… dumugo yata ang tainga ko, a!”

“Hee!” namumula pa ring irap ni Divie. “Talagang pare-pareho kayong mga lalaki… puro malisyoso!”

Tumingin si Rado kay Liza na parang humi-hingi sa kanya ng saklolo. “Liza, hindi ba’t kapag pabura-burara ang babae, talaga namang nakakaakit ng atensiyon?”

Sa halip na kampihan ay nakatawang sininghalan pa niya ito: “Tse! Hindi ako burara!”

“A, bahala kayo!” Natatawa ring itinuloy na ni Rado ang pagkain. “Sabi ko lang naman… huwag kayong sabay na magsusuot ng daster na magkapareho ang kulay, e…”

Nagkatinginan sila ni Divie. At sa ilang segundo’y parang malikmatang nakita nila ang sarili sa isa’t isa.

“Oo nga, ‘no?” anang kaibigan niya. “Para na nga pala tayong magkakambal ngayon!”

At nagkatawanan sila.

“Mga sira!” ani Rado na hindi malaman kung sisimangot o matatawa na rin.

NAPAKUNOT-NOO siya nang hindi makita sa salas at sa swing ang magnobyo pagkatapos niyang mahugasan ang pinagkanan. Pumanhik siya at pumasok na sa sariling kuwarto.

Nasaan kaya ang dalawang iyon? tanong niya sa sarili habang nagwo-workout sa stationary bike. A, nasa kabila lang siguro.

Pinapayagan na siya nina Divie at Rado na kumain nang regular basta lang daw patuloy siyang mag-iihersisyo gabi-gabi at magdya-jogging pa rin tuwing Linggo ng umaga.

Makaraan ang tatlumpung minutong pagba-bike, nanaog siya sa salas at nakinig ng musika sa stereo component. Pasado alas-otso na ng gabi. Maraming mapapanood na magagandang programa sa TV. Pero nang gabing iyon ay mas gusto pa niyang makinig na lamang ng musika mula sa isang FM station.

Nakahiga na sa mahabang sopa, pumikit siya at napangiti nang maalala si Sammy. Kaninang umaga ay nag-long distance sa kanya sa opisina ang binata. Natatawa siya ngayon habang binabalikan sa isip ang naging takbo ng kanilang pag-uusap.

I just want to play a game, Sammy boy!

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

16 responses to “The Neighbors – Kabanata 11”

  • 1 Charm_ganda says:
    September 15, 2009 at 1:38 pm

    Its so nice story and super nakakakilig…Go…..sam!!!!!!!

  • 2 daniel says:
    September 15, 2009 at 2:14 pm

    sana matapos na ito
    ito lang talaga ang
    inaabanggan ko

    sana mapost na yung mga last episode
    nabitin kc ako sa istorya……

    sana maipost na siya
    lagi akasi po akong nagaabang ng last episode
    di ko alam kung sino magkakatuluyan…

  • 3 daniel says:
    September 15, 2009 at 2:16 pm

    i will wait for this story
    kc nakakakilig…………
    sina liza………………….

  • 4 lonely_prince14 says:
    September 15, 2009 at 5:21 pm

    ang ganda ng story…
    hay…
    love…
    love…
    love….
    is between the both of them…
    🙂

  • 5 dionabeth says:
    September 15, 2009 at 8:12 pm

    ganda po ng story sana po everyday ang postingnya

  • 6 tullio says:
    September 16, 2009 at 5:54 am

    aaannnnggg GGGGAAAANNNDDDAAAA!!!! ng story nya!!! sana atapos na ang last episode nya!!!! hihintayin ko to!!!! THANK YOU VERY MUCH!! sa pag bibigay nyo ng magagandang story nyo!!!!

  • 7 GINA says:
    September 16, 2009 at 12:54 pm

    nakaka-in love ang story, sana happy ending… isunod na po nyo agag ang karugtong..thanks for the nice story…

  • 8 Neeko says:
    September 16, 2009 at 8:08 pm

    Hehe malapit ng matpos yung nobela ko!! suportahan nyo din ha salamat ha?:)

    • 9 lonely_prince14 says:
      September 19, 2009 at 6:35 pm

      cge b… full support aq basta b mganda e…
      goodluck… ganbatekudasai…

  • 10 GINA says:
    September 17, 2009 at 10:52 pm

    Hi Neeko! OO susuportahan ko,namin kaya pls! po i-publish na nyo nobela nya. Thanks po!!

  • 11 g-yan says:
    September 18, 2009 at 1:20 am

    nakaka-excite naman!
    Ang sweet pa rin ni Sammy!
    Sana nga ma-inlove sa kanya si Liza…
    kasi kung hindi, kawawa naan siya. Diba?

  • 12 g-yan says:
    September 18, 2009 at 1:21 am

    ay, oo, Thank you pala!
    THANK YOU!!^_^

  • 13 knightmare.... says:
    September 18, 2009 at 4:41 pm

    ganda na man ng story nla sna matuloy na sa susunod na yugto…….. ganda talaga

  • 14 daniel says:
    September 19, 2009 at 4:59 pm

    go sam….

    ganda talaga ng story na to……

    go lang ng go……..

  • 15 regina14 says:
    September 20, 2009 at 11:59 am

    ay bitin pa rin…………

    kakakilig talaga………..

    sana matapos na……..

    go sam..

  • 16 rose says:
    October 20, 2009 at 8:30 am

    d q msydng maintndhan

Mag-iwan ng mensahe...