Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 11

“Saan tayo magkikita?” tanong niya.

“Any suggestion?”

May binanggit siyang isang kilalang restaurant sa Session Road. “O kaya’y susunduin na lang kita sa bahay ng kuya mo.”

“Wala man lang suspense!” nagtatawang sabi ni Liza. “Ang gusto koy sa isang crowded place… do’n sa hindi mo agad ako mamumukhaan. But I’II be wearing a pair of white jogging shorts, white jacket on a pink shirt blouse, and a pair of blue rubber shoes. There’ll be a white ribbon on my head because I’ll wear my hair with a ponytail. So… saan tayo magkikita?”

“Sa Burnham Park,” excited niyang naisagot. “Doon mismo sa istasyon ng mga boat for rent.”

“Ayoko nga. Madali mo rin akong makikilala roon. Ayaw mo sa Mines View Park?”

“Saan doon?”

“Sa pinakadulo. Sa barandilyang nakabakod sa gilid ng bangin. Alas-nuwebe ng umaga.”

“Magulo roon. Ang dami laging nagpi-picture taking doon. Baka hindi kita makita agad. Lalo na nga’t kasingseksi ka na pala ni —”

“That’s the very idea, Sammy. Find me… try to recognize me in a crowded place.” Tumawa pa si Liza. “Give me that kind of excitement, my friend.”

“Would my ring be still on your finger?”

“No. It would be in its original jewelry box. Ibinigay na sa akin ni Divie ang munting kahon. Ganoon ko ibabalik sa ‘yo ang singsing.”

“But, Liza —”

“Bye. See you there.”

Ganoon ang naging takbo ng kanilang pag-uusap, at nagtaka siya pagkat parang gusto pang maglaro ni Liza.

Pinagkunwari niya akong nobyo niya dahil kay Boboy, naisaloob niya habang sumisimsim ng beer. Ngayon naman, gusto pa yata niyang mag-hide and seek kami dito sa Baguio.

Why is she always playing games?

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

16 responses to “The Neighbors – Kabanata 11”

  • 1 Charm_ganda says:
    September 15, 2009 at 1:38 pm

    Its so nice story and super nakakakilig…Go…..sam!!!!!!!

  • 2 daniel says:
    September 15, 2009 at 2:14 pm

    sana matapos na ito
    ito lang talaga ang
    inaabanggan ko

    sana mapost na yung mga last episode
    nabitin kc ako sa istorya……

    sana maipost na siya
    lagi akasi po akong nagaabang ng last episode
    di ko alam kung sino magkakatuluyan…

  • 3 daniel says:
    September 15, 2009 at 2:16 pm

    i will wait for this story
    kc nakakakilig…………
    sina liza………………….

  • 4 lonely_prince14 says:
    September 15, 2009 at 5:21 pm

    ang ganda ng story…
    hay…
    love…
    love…
    love….
    is between the both of them…
    🙂

  • 5 dionabeth says:
    September 15, 2009 at 8:12 pm

    ganda po ng story sana po everyday ang postingnya

  • 6 tullio says:
    September 16, 2009 at 5:54 am

    aaannnnggg GGGGAAAANNNDDDAAAA!!!! ng story nya!!! sana atapos na ang last episode nya!!!! hihintayin ko to!!!! THANK YOU VERY MUCH!! sa pag bibigay nyo ng magagandang story nyo!!!!

  • 7 GINA says:
    September 16, 2009 at 12:54 pm

    nakaka-in love ang story, sana happy ending… isunod na po nyo agag ang karugtong..thanks for the nice story…

  • 8 Neeko says:
    September 16, 2009 at 8:08 pm

    Hehe malapit ng matpos yung nobela ko!! suportahan nyo din ha salamat ha?:)

    • 9 lonely_prince14 says:
      September 19, 2009 at 6:35 pm

      cge b… full support aq basta b mganda e…
      goodluck… ganbatekudasai…

  • 10 GINA says:
    September 17, 2009 at 10:52 pm

    Hi Neeko! OO susuportahan ko,namin kaya pls! po i-publish na nyo nobela nya. Thanks po!!

  • 11 g-yan says:
    September 18, 2009 at 1:20 am

    nakaka-excite naman!
    Ang sweet pa rin ni Sammy!
    Sana nga ma-inlove sa kanya si Liza…
    kasi kung hindi, kawawa naan siya. Diba?

  • 12 g-yan says:
    September 18, 2009 at 1:21 am

    ay, oo, Thank you pala!
    THANK YOU!!^_^

  • 13 knightmare.... says:
    September 18, 2009 at 4:41 pm

    ganda na man ng story nla sna matuloy na sa susunod na yugto…….. ganda talaga

  • 14 daniel says:
    September 19, 2009 at 4:59 pm

    go sam….

    ganda talaga ng story na to……

    go lang ng go……..

  • 15 regina14 says:
    September 20, 2009 at 11:59 am

    ay bitin pa rin…………

    kakakilig talaga………..

    sana matapos na……..

    go sam..

  • 16 rose says:
    October 20, 2009 at 8:30 am

    d q msydng maintndhan

Mag-iwan ng mensahe...