Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 12

Si Liza nga ito, a! naisaloob nito. Kawawang Sammy. Mabuti pa pala e tinanggap ko na lang ‘yong singsing nang sabihing ibabalik na niya last Wednesday.

Kinunan nito ng litrato ang dalawa. Hindi pa nasiyahan, paglampas ng grupo sa pinto ng function room na salamin din, lumabas ang ginang at palihim na sumunod kina Liza.

“Boboy, samahan mo nga ako patungong CR,” narinig nitong sabi ni Liza. “‘Asan ba rito yon, sweetheart?”

“Halika… itanong na lang natin sa mga waiter,”ani Boboy. “I think it’s over there, sweetheart.”

PARANG nadurog ang puso ni Mrs. Cuervas. Nakahawak pa rin sa braso ni Boboy si Liza nang tunguhin ang dakong kinaroroonan ng comfort room.

Nang mapansin niyang lilingon si Divina ay bigla siyang tumalikod at mabilis nang nagbalik sa function room. Awang-awa siya kay Sammy. Hindi na lang niya ipinagtapat kina Mark at sa misis nitong si Madelene ang kanyang nasaksihan.

Punyetang mga babae ‘yon! Bakit nila gina-ganoon ang anak ko? Sino ba sila sa akala nila?

Hindi siya pumayag nang tawagan siya ni Liza at sabihing ibabalik na nito ang singsing. Pagkat sinabi sa kanya ni Sammy na pupunta rin naman daw sa Baguio si Liza.

“Doon ko na lang muling isusuot β€˜yon sa daliri niya, Mommy,” sabi pa ng kanyang anak. “Yon e kung bubuwenasin lang naman ho ako.”

Hindi ka pa rin pala bubuwenasin this time, Sammy, naihumutok niya. My God, kailangang maipa-develop ko ngayon din ang mga film na ito.

ALAS-TRES ng hapon, nang araw ring iyon, napasakamay ni Sammy ang dalawang kuha nina Boboy at Liza sa Max’s Restaurant. Tumawa lang siya at ibinalik sa ina ang mga litrato.

“Pinagbigyan lang ho siguro ni Liza ang Boboy na yan,” aniya. “Kasi nga ho’y infatuated sa kanya ang β€””

“Sammy, I personally heard them!” galit na irap sa kanya ng ina. “They’re calling each other ‘sweetheart’ in a public place! Accept it! And this time, be man enough and be brave! Get that ring back and find another… somebody more deserving than her!”

Muli niyang minasdan ang mga larawan. Masusing pinag-aralan. At parang sinaksak ang kanyang puso. Hindi na suot ni Liza ang singsing. Masayang-masaya ito. Medyo nakahilig pa ang ulo sa isang balikat ni Boboy.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

18 responses to “The Neighbors – Kabanata 12”

  • 1 regina14 says:
    September 20, 2009 at 12:02 pm

    ganda talaga ng story…

    kelan po ulit matatapos
    to..
    excited na ako.

  • 2 daniel says:
    September 20, 2009 at 3:34 pm

    wow ganda talaga nito..
    lalo akong nae-excite
    na magbasa…

  • 3 pink14 says:
    September 20, 2009 at 7:24 pm

    love it

  • 4 GINA says:
    September 20, 2009 at 9:48 pm

    ang ganda talaga,sana may kasunod na agad para di kami mabitin. thanks po uli!

  • 5 nkhcO says:
    September 20, 2009 at 11:51 pm

    Mmmm abangan ko namn ang kasonod nito!

  • 6 g-yan says:
    September 21, 2009 at 1:12 am

    super ganda!!!! super bitin!!!
    Thank you!!!

  • 7 midorilen says:
    September 22, 2009 at 4:36 am

    i love it!!! sana masundan na to…na inspire n rin me mgpapayat..

  • 8 Charm_ganda says:
    September 22, 2009 at 1:16 pm

    hmmmmmmm ano bah yan mama pasaway ka!!!!!!!!

  • 9 aiza says:
    September 22, 2009 at 4:19 pm

    hummm sana tom meron ng next…hayyy super bitin…

  • 10 lonely_prince14 says:
    September 22, 2009 at 4:25 pm

    nkaw! si mommy aman… nakikialam p sa love problem ni sammy boy…
    yan nd n 2loy, mauudlot p ata ang pagtatapat ni sammy… taz baka msasaktan nanaman si liza… πŸ™

  • 11 rhayne says:
    September 23, 2009 at 11:05 am

    stillwaiting for the end of the story…nakakabitin…hahahaha

  • 12 rHina says:
    September 23, 2009 at 3:15 pm

    halo ang tagal naman ng kasunod nito grabe ill always check this site for the next episode pls upload it immediately thanks..

  • 13 mr.big says:
    September 23, 2009 at 6:50 pm

    sana magkatuluyan sila ,more power sa author

  • 14 imperfectangel says:
    September 24, 2009 at 10:16 am

    ……keLan pOe uNg kabanata 13??
    …..i always check everyday pErO uLa pDn,,,

  • 15 silver says:
    September 27, 2009 at 3:46 am

    ahm. i got a little confused sa last part. the result of the toss coin was head right? so they should go to max’s not kentucky. ehehehe. or was it meant as a joke? masyado lng daw ako serious. lol.

  • 16 miyuki says:
    October 11, 2009 at 1:29 pm

    kung sino po writer pwede ba me su mali may mga novels din kasi kami ng class mates ko sa school

  • 17 vhAncE_23 says:
    November 5, 2009 at 8:31 pm

    ..+i hatE kbAnAtA 12…

    pTi AcUe
    nAhUhUrt…

    hUhUhUhU…

    AffEctEd dN AcUe….

    12.5….

  • 18 nhie says:
    January 31, 2011 at 8:25 pm

    ganda ng story :))

Mag-iwan ng mensahe...