Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 2

“Sabagay nga. Tama ka, Liza.”

TUMUNOG ang telepono sa isa pang mesang kalapit ng computer desk ni Liza. Malapit nang mag-lunch break.

Ipinihit niya ang kanyang swivel chair paharap doon at dinampot ang pulang office telephone.

“Metropolitan Development Corporation, Administrative Department, hello, good morning…”

“Good morning. This is Mrs. Consuelo Cuervas. Puwede ho bang makausap si Miss Divina Morales?”

Napakunot-noo si Liza. “Sandali lang ho…” Tinakpan niya ang mouthpiece at tumingin kay Divie. “Divie, ang mother ni Sammy, gusto ka raw makausap.”

Tumango ang dalagang nakakahawig ni Lorna Tolentino nang ang artista’y wala pang beinte-singko anyos. “Sige, Liza, ibaba mo na.”

Ibinaba niya ang hawak na telepono at dinampot naman ni Divie ang extension phone sa desk nito.

Ilang minuto lang na nag-usap sina Mrs. Cuervas at Divina.

“Bakit siya tumawag, Divie?” tanong niya nang maibaba na nito ang telepono. “Do you mind?”

“Nope. Gusto lang daw niya akong makita nang personal. Kasi raw, masyadong dinamdam ng anak niya ang… alam mo na. Wala raw naman siyang personal na pagdaramdam sa akin, pero gusto nga lang daw niya akong makita.”

Napatango siya at hinarap na ang kanyang computer keyboard. “That’s odd. I mean… bakit pa?”

“Oo nga, e. Nagtataka nga rin ako.”

Nangingiting napailing siya. “Baka balak pang humirit ng Sammy na ‘yon, Divie. At nagpapatulong sa kanyang ina. Sus, ang mga lalaki nga naman kapag na-in love! Gagawin ang lahat…” Napasulyap siya sa kanyang relo. Thirty minutes before lunchtime. At gutom na talaga ako. Bakit ba lalo akong tumatakaw lately? Nadagdagan na naman yata nang two pounds ang timbang ko. “Divie, kelan daw kayo magkikita at saan?”

“Mamayang eight ng gabi sa bahay.”

“Kasama siguro si Sammy, ano?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

6 responses to “The Neighbors – Kabanata 2”

  • 1 Ja-ne says:
    August 7, 2009 at 11:19 am

    sana may nxt chap na….maaaaaaaaaganda..

  • 2 kariz says:
    August 7, 2009 at 11:39 am

    can’t wait for the next chap…^^

  • 3 grACE says:
    January 17, 2010 at 5:54 pm

    mgandA sNa
    kYa lNg pOh hNDi
    ntaPoS, . .
    hOpE nA mtpOs nA tO. . . !!!!
    hE6x sLmat pOh!!

  • 4 marygracetgracia says:
    February 11, 2010 at 4:49 pm

    hehe.. nice story po.. pero di ko pa po tapos..
    di bale.. balik na lang ako ulit..
    hehe

  • 5 Anne says:
    April 10, 2010 at 1:12 pm

    Boring.

  • 6 rossellen says:
    May 10, 2010 at 8:55 pm

    Laluu true ?? Legacy of Ring .. hehehehehe .

Mag-iwan ng mensahe...