Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 2

Sa takot niyang mamayat at magkasakit sa kaiisip kay Marvin, sinadya niyang maging matakaw. Pagkain ang pinagbuntunan niya ng galit, wika nga. Nang mag-umpisa na siyang lumobo, parang lihim pa siyang natuwa. Ayaw na niya kasing makipagnobyo. Dala na siya. Parang nagka-phobia na.

Walang manliligaw sa kanya kung siya’y mataba.

Walang magtatangkang bumasag ng kanyang puso.

So what kung tumanda siyang dalaga? Mabuti nga’t hindi siya makukunsume sa mga anak at asawang ang nakararami yata ay babaerong tulad ng yumao niyang ama.

Lingid sa buong mundo, ang personal niyang motto sa ngayon ay: “Be happy – don’t ever catch the love virus again.”

“BAKIT ka naman kaya gustong makita ng Mrs. Cuervas na iyon?” tanong ni Rado nang natrapik ang minamaneho nitong light blue Lancer sa kanto ng E. Rodriquez at Araneta Avenue.

Pauwi na sila nang hapong iyon sa kani-kanilang magkadikit na apartment, sa Simuon Street, Bgy. San Isidro Labrador, Quezon City.

“Bakit nga kaya, Divie?” pag-uulit ni Rado.

Nagkibit-balikat si Divie na siyang katabi ng nobyo sa unahan ng kotse. “Ewan ko.”

“Diskumpiyado ako sa Sammy na iyon, love.”

Napangiti si Liza na nasa likuran ng dalawa. Two weeks ago lang, mag-boss pa ang dalawang ito, naisaloob niya. Ngayon, mag-sweetheart na at nagbabalak na yatang pakasal this year. Ang buhay nga naman… parang life.

“Masyado kang suspetsoso,” ani Divie. “O, go na…”

Pinatakbo nang muli ni Rado ang kotse. Pinagbuti ni Liza ang pagkakasandal sa upuan. Pumikit pa siya at pinakinggan sa car stereo ang pagkanta ni Dionne Warwick ng isang nilulumot nang awitin, ang “Don’t Make Me Over.”

Napabuntunghininga pa siya. Ah, this is life. Mabuti na lang talaga at naging ka-neighbor namin ni Divie ang korning Conrado Vargas na ito. Para na rin kaming may personal driver sa pagpasok at pag-uwi mula sa office. Kaya lang, kelan kaya siya makakakuha ng maid-labandera? Kami ni Divie ang nahihirapan sa kalalaba at kapaplantsa ng mga damit niya.

“I am not suspicious, Divie,” mayamaya’y narinig niyang pagsasalita ni Rado. “I am just using my intuition.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

6 responses to “The Neighbors – Kabanata 2”

  • 1 Ja-ne says:
    August 7, 2009 at 11:19 am

    sana may nxt chap na….maaaaaaaaaganda..

  • 2 kariz says:
    August 7, 2009 at 11:39 am

    can’t wait for the next chap…^^

  • 3 grACE says:
    January 17, 2010 at 5:54 pm

    mgandA sNa
    kYa lNg pOh hNDi
    ntaPoS, . .
    hOpE nA mtpOs nA tO. . . !!!!
    hE6x sLmat pOh!!

  • 4 marygracetgracia says:
    February 11, 2010 at 4:49 pm

    hehe.. nice story po.. pero di ko pa po tapos..
    di bale.. balik na lang ako ulit..
    hehe

  • 5 Anne says:
    April 10, 2010 at 1:12 pm

    Boring.

  • 6 rossellen says:
    May 10, 2010 at 8:55 pm

    Laluu true ?? Legacy of Ring .. hehehehehe .

Mag-iwan ng mensahe...