Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 2

Tumawa lang si Divie. “You can trust women’s intuition better, darlin’. Relax. Naku-curious lang sa akin si Mrs. Cuervas. Naiintriga. Nothing to worry.”

Good thinking, Divina, nangingiting naisaloob ni Liza. But that’s not intuition. Tama ka na mas mapagkakatiwalaan ang women’s intuition. E bakit ang mas ginagamit mo e isip?

“I guess you’re right,”sabi ni Rado mayamaya. Papalapit na sila sa Mabuhay Rotonda. “Baka nga naku-curious lang sa ‘yo si Mrs. Cuervas. Nasanay na siguro siya na ang anak niya ang laging hinahabol ng chicks. So… bakit nga naman basta na lang mababasted si Sammy sa ‘yo? Naintriga nga siguro ang kanyang ina.”

“Right,” ani Divie. “So you see? Bakit kailangang magkaroon tayo ng kung anu-anong masamang kutob e puwede namang makapag-isip nang logical?”

Tumawa si Rado. “Section chief ka na nga!”

Atsows! Napaluwang pa ang ngiti ni Liza kahit tikom ang kanyang mga labi. Tingin ko’y parang sumisipol ka sa dilim para mabawasan ang nararamdaman mong takot, Divie. Basta ako, duda rin sa intensiyon ng Mrs. Cuervas na iyon. ‘Yon ang intwisyon ko. Hindi siya curious lang. At mas tama siguro si Boss Rad.

Nasanay na siyang tawagin si Rado ng ‘Boss Rad’ dahil ito ang dati nilang section chief na pinalitan ni Divie.

Malaki ang bilib niya sa katalinuhan ni Conrado, at marahil ay ganoon din ang GM nilang si Mr. Gervasio “Vas” Lopez. Kaya nga last week lang ay na-promote na si Rado mula sa pagiging office supervisor tungo sa posisyong administrative assistant.

Isa na si Rado sa tatlong katulong ng kanilang executive vice president o EVP sa pagpapatakbo ng korporasyon.

Dahilan naman para ang puwestong iniwan nito ay mapunta kay Divie. Masuwerte na rin ang kanyang kaibigan sa Conrado Vargas na ito, at mas gusto niya ito para kay Divie kaysa Engr. Sammy Cuervas na iyon.

Tulad ni Divie, nayayabangan din siya kay Sammy.

PASADO alas-sais na nang ihinto ni Rado ang kotse nito sa tapat ng gate nina Divie at Liza. Pagbaba nila’y ipinasok na ni Rado ang sasakyan sa garahe ng kasunod na apartment.

Isang six-door two-storey apartment building iyon na ang dulo ay kadikit ng mataas na bakod ng isang junkyard. Nasa dulong iyon ang apartment ni Rado, kasunod naman ang kina Liza at Divie.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

6 responses to “The Neighbors – Kabanata 2”

  • 1 Ja-ne says:
    August 7, 2009 at 11:19 am

    sana may nxt chap na….maaaaaaaaaganda..

  • 2 kariz says:
    August 7, 2009 at 11:39 am

    can’t wait for the next chap…^^

  • 3 grACE says:
    January 17, 2010 at 5:54 pm

    mgandA sNa
    kYa lNg pOh hNDi
    ntaPoS, . .
    hOpE nA mtpOs nA tO. . . !!!!
    hE6x sLmat pOh!!

  • 4 marygracetgracia says:
    February 11, 2010 at 4:49 pm

    hehe.. nice story po.. pero di ko pa po tapos..
    di bale.. balik na lang ako ulit..
    hehe

  • 5 Anne says:
    April 10, 2010 at 1:12 pm

    Boring.

  • 6 rossellen says:
    May 10, 2010 at 8:55 pm

    Laluu true ?? Legacy of Ring .. hehehehehe .

Mag-iwan ng mensahe...