Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 3

“Oo nga,” ani Divie. “‘Yon nga ang sabi ko sa ina ni Sammy.”

Awtomatikong napahawak si Liza sa singsing na nasa panggitnang daliri ng kanyang kaliwang kamay. Hinugot niya iyon. Pero hindi niya maalis. Itinodo niya ang paghila. Nasaktan na siya pero ayaw pa ring dumulas ni bahagya man ang singsing.

“Rad, bakit di ko na yata maalis ‘to?” parang naiiyak niyang baling sa binata. “Tulungan mo nga ako…”

“Hayan kasi…” sabi ni Rado na hinawakan ang kaliwang kamay niya. “Mula kasi n’ong holiday e umarya ka nang umarya sa katakawan. Lalo ka tuloy lumobo.” Hinila nito ang singsing. “Hmmmmph…!”

“Aray ko naman!” ngiwi ni Liza. “Rado, nasasaktan ako!”

Teka,” ani Divie. “Lagyan mo kaya ng sabon o langis?”

“Oo nga,” ani Rado. “Halika…”

Nagtungo sila sa kusina. Una, sinubok nilang gumamit ng sabon. Hindi pa rin mahugot ang singsing. Namula at lalong naging parang sausage ang daliri ni Liza. Lalo nga pala siyang tumaba at lumaki pa yata ang kanyang mga buto sa gitna ng daliri, ngayon niya mas napatunayan.

Sinubok naman nilang lagyan ng mantika. Parang lalo pang sumikip ang sinsing.

“Naku, Divie,” mangiyak-ngiyak na niyang sabi. “Paano kaya to? Hindi talaga matanggal, e!”

“Kailangang mag-reduce ka muna bago mahugot ‘yan,” ani Rado. “Ang mabuti pa’y sumama ka na lang kay Divie para makita ni Mrs. Cuervas.”

“Oo nga,” ani Divie. “Halika na.”

NAGBALIK sila ni Divie sa kanilang apartment. Mabait naman si Mrs. Consuelo Cuervas. Napatawa pa ito nang makita si Liza na umiiyak. “Ipinahiram ho kasi ito ni Divina, Mrs. Cuervas,” aniya. “Kasi nga ho’y maluwag sa kanya at natatakot siyang mawaglit habang nagdya-jogging kami noon sa Baguio.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

25 responses to “The Neighbors – Kabanata 3”

  • 1 dionabeth says:
    August 8, 2009 at 1:19 am

    ang ganda ng kwento sana po araw ang posting

  • 2 sylvanna says:
    August 11, 2009 at 4:25 am

    nakakabitin naman ‘to. kindly upload the next chapter pls. thanks. 🙂

  • 3 joan says:
    August 11, 2009 at 10:13 am

    bitin kaya ako,hehehhehehe..but its nice ha/sana sa susunod mataas ang story.para hindi naman ko mabitin,, thank you so muchh to share with me this story from pocketbook

  • 4 cheche says:
    August 11, 2009 at 4:46 pm

    bitin..

  • 5 shakywitt says:
    August 11, 2009 at 6:59 pm

    ang ganda naman nang story sana may susunod pang kabanata….abangan ko yon!!!!

  • 6 Godes says:
    August 13, 2009 at 10:59 am

    asan naahh? wwwwwwwaaaaaaaaahhhhhhhhhh

  • 7 AshLey says:
    August 14, 2009 at 8:46 am

    haist..
    next
    chapter
    please//]
    ahhehehehehe

  • 8 niekk0h says:
    August 14, 2009 at 10:12 pm

    Hay naku,bt wla pa ung nxt chap?.,tagal n 2 d n2loy ah.,sna 2loy nio n po!,tenx!

  • 9 lh0u says:
    August 14, 2009 at 11:11 pm

    kelan p0h e2 msu2ndan!
    plzzz san np0h ksun0d naka2bitin p0h e�…
    thanks�

  • 10 riza says:
    August 15, 2009 at 5:05 pm

    uy ang ganda talaga!!!!hehee

  • 11 shakywitt says:
    August 17, 2009 at 1:38 am

    Hay nako wala pang susunod na kabanata ang tagal naman…

  • 12 Joselle says:
    August 17, 2009 at 8:21 pm

    Next chapter plzzzz…

    I can no longer wait…

  • 13 ana says:
    August 18, 2009 at 2:15 pm

    hello i really enjoy reading or novels… thnx for sharing it…

    sana masundan na yong chapter nito i really enjoy reading this

  • 14 shakywitt says:
    August 19, 2009 at 3:07 am

    Hallooooooooo!!!!!!!!!!!!!Bakit wala pang ibang kabata ang tagal ko nang hinintay……sana masundan na ito plssssssssss!!!!!!!!!!!!!!!!!huwag mo na kaming ibitin…….

  • 15 Rissa Panaligan says:
    August 20, 2009 at 1:09 am

    haizt… i cant wait btn n btn aqoh kelan poh ul8 ung nxt…

  • 16 ivy estrada says:
    August 20, 2009 at 12:14 pm

    maganda ung kwento, hanggang ilang kabanata ba yung balak niyang gawin?Paanu ba kung ako naman ang magpapasa ng nobela ko?pde ba ako?

    • 17 Martha says:
      August 22, 2009 at 11:57 pm

      i-email nyo lang po sa mail@tagalogpocketbooks.com kung meron kayo gustong i-share na stories. tnx!

  • 18 donnalyn says:
    August 20, 2009 at 9:26 pm

    ganda ng story,,

    next na,,

  • 19 Belle says:
    August 21, 2009 at 3:06 pm

    where’s the next chapter?

    we can no longer wait!!!

    please post it immediately!!!

  • 20 lonely prince 14 says:
    August 23, 2009 at 5:30 pm

    hay ang ganda ng story kaso bitin… sana masundan na po agad… hihintayin ko po talaga yan…. i really love to read love stories, it takes my stress away… nxt chapter…. 🙂

  • 21 bunny says:
    August 25, 2009 at 10:42 am

    grabe ang tagal ng next chapter 2 weeks na ata walang update anung dekada naaaaaaaaaa

  • 22 jp says:
    August 25, 2009 at 4:24 pm

    Bitin naman… may I suggest pwede bang mainlove si sammy kay liza at sila ang magkatuluyan kung papano yn ang magiging twist sa story para ma excite ang mga mambabasa di ba?

  • 23 dionabeth says:
    August 25, 2009 at 11:53 pm

    bat wala po yng kasunod chapter 4 na pls ang ganda pa nman ng kwento nya

  • 24 bumble says:
    April 12, 2010 at 9:44 pm

    lol funny huh! xD

  • 25 jhon bagtas says:
    April 19, 2010 at 3:29 am

    ayos tong kwento n toh ok bsahin…

Mag-iwan ng mensahe...