Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 4

“Dante, kayang-kayang ko naman ito, e,” pagpuprotesta niya. “Na-delay lang kami dahil β€””
“Dito ka na lang muna. Lugi na tayo ng kalahating milyon sa project na iyan! Ano’ng gusto mo β€” masisante tayo pare-pareho?”

Tangna naman, o! “E, sige, pare… sinabi mo, e.”

BALIK siya sa desk work kinabukasan din. Taga-check ng design, tulad ng dalawang bagong recruit na inhenyerong ang isa’y repeater pa sa pagkuha ng board exam.

Inis na inis siya kapag nasa opisina lang. Ang gusto niya’y laging nasa field β€” sa lugar ng patrabaho. Doon sa mas marami siyang aktuwal na maoobserbahan at makikita.

Ano ang mangyayari sa kanya kung nasa harap lang siya lagi ng drawing board at computer? Mabobobo lang siya.

“Sam… telephone!”

Napatingin siya sa kinaroroonan ng kanilang dalagang office receptionist. Itinaas nito ang hawak na telepono. Iniwan niya ang kanyang desk.

“Kanino galing, Elsa?” tanong niya sa receptionist.

“Miss Eliza Sebastian, administrative, MDCI.”

A, si Liza. Nahugot na kaya ang singsing sa daliri niya? Pinik-ap niya ang telepono. “Hi, Liza…”

“Yes. Sam, nabanggit mo sa akin last week na may iba ka nang pagbibigyan nitong sing-sing…”

Napatawa siya. “I was just joking, Liza. Sinabi ko lang β€˜yon para apurahin mo ang pagre-reduce. Actually, you can take your time. Okey ba ‘yong stationary bike na padala ng mommy ko sa ‘yo?”

“Oo naman. Umaga’t gabi, ginagamit ko.”

“So… kumusta naman?”

“Nabawasan na ‘ko ng one pound, believe it or not. Pero… namaga ang daliri ko, e. Naimpeksiyon pa yata.”

“I’m sorry. Hindi bale, Liz. Take your time.”

“Wala ka pa talagang pagbibigyan nito?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

6 responses to “The Neighbors – Kabanata 4”

  • 1 bunny says:
    August 26, 2009 at 11:49 am

    aba…………… i love it
    ate pakituloy na po ito asap
    kinikilig ako
    feeling ko sya ang meant para sa singsing kaya
    ayaw matangal
    jajaja
    >.<

  • 2 sylvanna says:
    August 29, 2009 at 2:23 am

    finally, may continuation na din ulit. ang tagal ko hinintay. sana tuloy tuloy na. thanks.

  • 3 ycen says:
    November 4, 2010 at 2:44 am

    amf ang ganda na sana. kaya lng bkit ganon?.. its been a year.. and still this story isn’t finish yet?.. (sigh)

  • 4 ycen says:
    November 4, 2010 at 2:53 am

    awe! to the writer im sorry.. it was my bad.. i didn’t notice my lt hanged.. axactly at the part where it says,.. ITUTULOY.. thats y i thougj it wasn’t finis yet.. im sorry. peace! ^_^

    • 5 jennysweety_21 says:
      December 29, 2011 at 12:59 pm

      may next kabanata po..

  • 6 pazawaiy_19 says:
    January 7, 2012 at 11:50 am

    uhmf. . .i thnk mAganda
    aman to . .mixed w/ comedy
    kaxo parang over aman sa
    details heheh. , πŸ˜‰

Mag-iwan ng mensahe...