Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 4

“Matagal pa siguro bago ako maghanap.” Inimadyin niya ang mukha ng kausap sa telepono at naramdaman niyang parang gusto niya itong makita nang personal. “Siyanga pala, Liza…”

“Yes?”

“Marunong ka bang gumawa ng template na pang-calling card?’

“Hindi na kailangan ang template do’n, Sam. Kahit one-page copy lang e puwede na. I-print mo lang nang i-print.”

“Ow?”

“Oo. Gusto mo igawa kita? Me gagamitin pa bang logo?”

“‘Yong logo rito. Bibigyan kita ng diskette copy ngayong lunchtime. Ililibre na tuloy kita sa lunch —”

“Naku, tinu-torture mo naman ako, e! Alam mo namang nagda-diet ako ngayon. Bawal sa akin ang kumain sa labas, Sammy.”

“Steak and bread lang, Liza. And… one scoop of ice cream. Konting calorie lang naman ‘yon.”

“Pero m-may ice c-cream, e.”

“Diet Coke na lang?”

“Well…”

“Susunduin kita d’yan at twelve, okey? Dadalhin ko na ‘yong scanned copy ng aming company logo. Sa SM Megamall lang naman tayo kakain.”

“S-sige na nga. Pero huwag ka nang pumanhik dito sa sixth floor. Hintayin mo na lang ako sa first floor lobby.”

“Sure. Sige, I’ll see you there.”

Pagbalik sa kanyang desk, kinopya niya sa isang diskette mula sa computer niya ang logo ng Countrywide Builders Inc. Ang totoo’y may panggawa na siya ng calling card sa kanyang computer. Wala lang siyang maisip na dahilan para mayayang mag-lunch si Liza.

Natatandaan pa niya ang sinasabi ng kanyang mommy kinabukasan ng araw na manggaling ito kina Liza: “Nagagandahan ako sa Lizang iyon kahit medyo me katabaan nga. Para siyang kamukha ng Tita Cory mo, di ba?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

6 responses to “The Neighbors – Kabanata 4”

  • 1 bunny says:
    August 26, 2009 at 11:49 am

    aba…………… i love it
    ate pakituloy na po ito asap
    kinikilig ako
    feeling ko sya ang meant para sa singsing kaya
    ayaw matangal
    jajaja
    >.<

  • 2 sylvanna says:
    August 29, 2009 at 2:23 am

    finally, may continuation na din ulit. ang tagal ko hinintay. sana tuloy tuloy na. thanks.

  • 3 ycen says:
    November 4, 2010 at 2:44 am

    amf ang ganda na sana. kaya lng bkit ganon?.. its been a year.. and still this story isn’t finish yet?.. (sigh)

  • 4 ycen says:
    November 4, 2010 at 2:53 am

    awe! to the writer im sorry.. it was my bad.. i didn’t notice my lt hanged.. axactly at the part where it says,.. ITUTULOY.. thats y i thougj it wasn’t finis yet.. im sorry. peace! ^_^

    • 5 jennysweety_21 says:
      December 29, 2011 at 12:59 pm

      may next kabanata po..

  • 6 pazawaiy_19 says:
    January 7, 2012 at 11:50 am

    uhmf. . .i thnk mAganda
    aman to . .mixed w/ comedy
    kaxo parang over aman sa
    details heheh. , 😉

Mag-iwan ng mensahe...