Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 5

HABANG hinihintay na mai-serve ang order nila sa restawrang iyon sa SM Megamall, hinawakan ni Sammy ang kaliwang palad ni Liza at sinuri ang medyo namamaga ngang daliri nito.

Nagkagatla ang daliring kinalalagyan ng singsing. Nakalubog na ang singsing sa gatla, na para bang nakapatong na lang sa ibabaw ng daliri ang ga-mais na brilyante.

“Bakit naman dito mo pa isinuot sa hinlalaki mo ang singsing na ito, Liza?”

“D’yan kasi mas kasya.”

Napatitig siya sa bilugang mukha ng dalaga. Medyo nanulis ang maninipis at malarosas nitong mga labi sa ibaba ng matangos na ilong. Parang laging maiiyak ang makislaping mga mata nito. Maganda pa rin ito kahit manipis ang make-up. Hindi napipintahan ang kilay nito pero wari’y sadyang iginuhit upang bumagay sa hugis ng mukha.

May naramdamang pitlag sa dibdib si Sammy nang magtama ang kanilang mga mata.

“Sumasakit ba, Liza?”

“Hindi naman ga’no.”

“Luluwag din ‘to kapag nabawasan pa ang timbang mo.”

Sumungaw ang isang wari’y nahihiyang ngiti sa tikom nitong mga labi. “Nahihirapan akong magdiyeta. Masarap kumain, e.”

“Ganyan ka ba mula nang teenager ka pa?”

“Hindi, ‘oy. Magkasingseksi nga kami ni Divie nang magkaklase pa kami noon sa UE.”

“Talaga? May picture ka bang kuha noon?”

Napakunot-noo ito. Pagkuwa’y ngumiti. “Oo. Gusto mong makita? Mayroon ako sa pitaka ko.”

“Patingin nga…”

Binuksan nito ang kulay gatas na ladies’ bag na nasa isang gilid ng restaurant table. Inilabas mula roon ang isang green wallet. Dalawang wallet-sized photo ang ipinakita nito kay Sammy.

Half-body shot ang unang larawan.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

6 responses to “The Neighbors – Kabanata 5”

  • 1 dionabeth says:
    August 26, 2009 at 12:35 pm

    ang gnda ng kwento khit papano next chapter n apls

  • 2 lonely prince 14 says:
    August 26, 2009 at 8:00 pm

    ang ganda ng kwento… nxt episode na po… sana mai-post n po ninyo ang susunod n mga chapters…. i’ll wait…. :bd

  • 3 jp says:
    August 27, 2009 at 9:57 am

    that’s the story but bitin parin eh..hehe dapat medyo magkakaroon din ng konting tampuhan sina sammy and liza until malaman nila na mahala na pala nila ang isa’t isa… kung papano yn mangyayari nasa inyo ulit..kailangang mahuli ang kiliti ng mga mambabasa wala silang kakamuhian sa mga karakter bagkus mamahalin nila. at habang binabasa nila ang story ang pakiramadam nila sila ang mga karakter na gumaganap…
    good work guy’s” just keep it on….

  • 4 bunny says:
    August 27, 2009 at 1:22 pm

    waaaaaaaaa ang saya2x
    next chapter na ate
    thanks ………

  • 5 bunny says:
    August 27, 2009 at 1:23 pm

    waaaaaaaaa ang saya2x
    next chapter na po ate
    thanks…

  • 6 cheche says:
    August 29, 2009 at 12:34 pm

    kailan po ung next chapter??

Mag-iwan ng mensahe...