Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 5

Aba ‘y… ang ganda pala niya noon! Parang artista ah. Sumungaw sa mga labi niya ang isang maluwang na ngiti. “Ikaw ba talaga ito, Liza?” himig pagbibiro niya.

Nakatawang umirap ito. “Oo naman! Tumaba nga lang ako, e.”

“Ang ganda-ganda mo pala noon.”

“Sabi nga nila.”

Ang pangalawang litrato ay full-body shot. Naglalakad si Liza sa gilid ng isang swimming pool. Naka-green one-piece bathing suit at may sunglasses.

“Wow!” palatak niya. “Pang-Miss Universe, a!”

Napaghagikhik ito. “Artistahin ‘no? Kuha ko ‘yan nang mag-excursion kami sa Tagaytay. Third year college pa lang ako.”

“E ano ba talagang nangyari at —”

Napatigil siya sa pagsasalita. Sabay silang napatingin sa waiter na lumapit sa kanilang mesa. Dumating na ang kanilang order. Mahigit nang kalahating oras makalampas ang alas-dose ng tanghali. Tiyak na malileyt sila pareho sa pagbabalik sa trabaho, naisaloob ni Sammy.

“NASAAN nga pala ang diskette copy ng company logo n’yo, Sammy?” tanong ni Liza nang kinakain na nila ang kanilang medium rare steak. “Dala mo na ba?”

Tumango siya. “Narito sa bulsa ko.”

Saglit na iginala niya ang tingin sa restawrang iyon sa ikaapat na sahig ng SM Megamall. Maingay ang paligid. Puno ng tao ang kainang iyon. Ang nakararami’y tulad nila ni Liza na magkapareha. Maraming magaganda at seksi sa kababaihang naroon. Pero sa tingin ni Sammy, kahit nga may katabaan ang kanyang kapareha ay pinakamaganda pa rin ito.

Napasulyap siya sa singsing na suot ng dalaga. Sa kanya napunta ang traditional engagement ring ng aming pamilya. Parang naistak sa kanyang daliri. Hindi kaya isa itong magandang pangitain na sa kanya talaga iyon nauukol?

“Sammy,” pangiting sabi ni Liza nang mapansing nakatitig siya sa mukha nito. “Nagdaramdam ka pa siguro sa kaibigan ko, ano?”

Umiling siya. “Dinamdam ko ‘yong pagkabigo sa kanya. Pero wala akong pagdaramdam sa kanya mismo. Nagtataka lang ako hanggang ngayon kung bakit biglang-bigla na lang silang nagkagustuhan ni Rado Vargas.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

6 responses to “The Neighbors – Kabanata 5”

  • 1 dionabeth says:
    August 26, 2009 at 12:35 pm

    ang gnda ng kwento khit papano next chapter n apls

  • 2 lonely prince 14 says:
    August 26, 2009 at 8:00 pm

    ang ganda ng kwento… nxt episode na po… sana mai-post n po ninyo ang susunod n mga chapters…. i’ll wait…. :bd

  • 3 jp says:
    August 27, 2009 at 9:57 am

    that’s the story but bitin parin eh..hehe dapat medyo magkakaroon din ng konting tampuhan sina sammy and liza until malaman nila na mahala na pala nila ang isa’t isa… kung papano yn mangyayari nasa inyo ulit..kailangang mahuli ang kiliti ng mga mambabasa wala silang kakamuhian sa mga karakter bagkus mamahalin nila. at habang binabasa nila ang story ang pakiramadam nila sila ang mga karakter na gumaganap…
    good work guy’s” just keep it on….

  • 4 bunny says:
    August 27, 2009 at 1:22 pm

    waaaaaaaaa ang saya2x
    next chapter na ate
    thanks ………

  • 5 bunny says:
    August 27, 2009 at 1:23 pm

    waaaaaaaaa ang saya2x
    next chapter na po ate
    thanks…

  • 6 cheche says:
    August 29, 2009 at 12:34 pm

    kailan po ung next chapter??

Mag-iwan ng mensahe...