Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 5

Umiling ito. “What do you get when you fall in love? Puro sakit lang ng ulo.”

Siguro’y broken-hearted ang babaing ito. “Sino bang tarantadong lalaki ang bumasag sa puso mo at ganyan ang attitude mo towards love?”

“Sammy, I don’t want to talk about it. Let’s change the topic, okay?”

“Okay. Sorry.” Broken-hearted nga.

“MANIWALA naman ako sa yo na hindi marunong gumawa ng calling card sa computer ang Sammy na yon!” natatawang sabi ni Divie kinagabihan. Nanonood sila ng isang palabas sa TV sa may salas matapos maghapunan. “Gimik lang niya yon.”

“Gimik para ano?” ani Liza.

“Para magkausap kayo at magtanong ng kung anu-ano tungkol sa amin ni Rad. Ano ba’ng mga itsinismis mo sa lalaking yon, Eliza?”

Napairap siya sa kaibigan. “Hindi naman ako tsismosa, ‘no? Ipinaliwanag ko lang sa kanya kung bakit bigla na lang kayong naging mag-on ni Rado samantalang ang Sammy namang iyon ang naunang nanligaw sa ‘yo.”

“You dont have to explain anything to Sammy, Liza.”

“Ano naman ang magagawa ko e inurirat niya ako tungkol doon?”

“Napakabobo naman niyang engineer kung paggawa lang ng calling card sa computer e di siya marunong.”

“Okey, gumigimik nga lang siguro ‘yon. Baka gusto lang niyang makatiyak na nakaistak pa rin dito sa kamay ko ang singsing.” Pasarkastikong idinugtong niya. “At baka may suspetsa ‘yon na hindi ko na talaga ito gustong isoli pa.”

“A, hindi naman siguro gano’n,” ani Divie. “Ang mas gusto kong paniwalaan e… ‘yon nga. Gusto lang niyang malaman kung ano ba talaga ang nangyari at si Rado ang sinagot ko. Kumagat ka naman agad. Hindi ka man lang nagpaalam sa ‘kin kaninang umalis ka para makipag-lunch date sa kanya.”

Nasaktan siya sa insinuation ni Divie. Alam niya ang nasa isip nito. Basta tungkol sa pagkain, mahirap siyang tumanggi. At hindi siya nagpaalam dito kanina pagkat alam niyang pipigilin siya nito. Ito ang lagi nang pumipigil sa kanya kapag sumisige na naman siya sa katakawan.

Katulong si Rado, gusto nitong madisiplina ang kanyang eating habits. At hindi lang para maalis na nga sa daliri niya ang singsing. Gusto ng kaibigan niya na mabalik na siya sa dati.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

6 responses to “The Neighbors – Kabanata 5”

  • 1 dionabeth says:
    August 26, 2009 at 12:35 pm

    ang gnda ng kwento khit papano next chapter n apls

  • 2 lonely prince 14 says:
    August 26, 2009 at 8:00 pm

    ang ganda ng kwento… nxt episode na po… sana mai-post n po ninyo ang susunod n mga chapters…. i’ll wait…. :bd

  • 3 jp says:
    August 27, 2009 at 9:57 am

    that’s the story but bitin parin eh..hehe dapat medyo magkakaroon din ng konting tampuhan sina sammy and liza until malaman nila na mahala na pala nila ang isa’t isa… kung papano yn mangyayari nasa inyo ulit..kailangang mahuli ang kiliti ng mga mambabasa wala silang kakamuhian sa mga karakter bagkus mamahalin nila. at habang binabasa nila ang story ang pakiramadam nila sila ang mga karakter na gumaganap…
    good work guy’s” just keep it on….

  • 4 bunny says:
    August 27, 2009 at 1:22 pm

    waaaaaaaaa ang saya2x
    next chapter na ate
    thanks ………

  • 5 bunny says:
    August 27, 2009 at 1:23 pm

    waaaaaaaaa ang saya2x
    next chapter na po ate
    thanks…

  • 6 cheche says:
    August 29, 2009 at 12:34 pm

    kailan po ung next chapter??

Mag-iwan ng mensahe...