Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 5

At nagising siyang hilakbot na hilakbot. “Oh God! What a nightmare!” nasambitla pa niya, tulad noong bata pa siya sa tuwing magigising sa pananaginip ng tungkol kay Dracula, o kaya’y tungkol sa isang serial rapist na kamukha ng yumaong actor na si Max Alvarado.

Lately, nasasabi na lang niya sa sarili nang pabiro: “Kung totoong me impiyerno, ito na siguro yon!”

Mahigit na ngayong dalawang linggong isang pandesal lang ang almusal niya. Pakiramdam niya’y pinarurusahan siya nang walang kasalanan — at sa impiyerno pa.

Ngayon niya naisip na ang bawat tao marahil ay may kani-kanyang impiyerno.

Araw-araw mula pa noong nagdaang linggo ay tinatangka niyang alisin sa daliri ang singsing, lalo na kung nabababad ang daliri niya sa pagsasabon ng damit bago ilagay sa washing machine.

Nagsugat tuloy ang daliri niya at namaga. Siguro nga’y naimpeksiyon. Ilang araw na kumirot ang daliri niya pero hindi sapat ang kirot niyon para mawala sa isip niya ang oras-oras na pangangalam ng kanyang sikmura.

Napabangon siya. Tumingin sa kanyang wallclock. Labin-limang minuto makalipas ang ikasiyam. Ipinasiya niyang mag-stationary bike uli nang kalahating oras.

NAKATULOG agad siya pagkatapos. At nanaginip na kasali raw siya sa isang donut-eating contest.

“First prize,” sabi ng contest moderator, “P1000 plus one galloon of chocolate-flavored ‘Rocky Road’ Magnolia Ice Cream; second prize, P500 plus three boxes more of assorted-flavored donuts; third prize, P300 pesos and two boxes of pizza pie.”

Nang mag-uumpisa na ang contest at isusubo na niya ang unang donut, lumapit sa kanya ang moderator na bigla na lang naging si Mrs. Cuervas. “Iha, you’re disqualified.”

“E bakit naman ho?”

“Kasi me suot kang diamond ring.”

“E ano naman ho ang kaugnayan nito sa contest, Mrs. Cuervas?” irap niya. “Basta kasali ho ‘ko, namputsa namang…!”

At sinakmal niya ang hawak na donut.

“Guard…!” galit daw na sigaw ni Mrs. Cuervas. “Guard, ilabas mo ang babaing ito!”

Nabulunan daw siya. Nagsikip ang kanyang dibdib nang hindi makahinga. “Aahh… hmmm… haahh…!”

Nagising siya sa yugyog ni Divie. Naglalagos na sa kanyang bintana ang sikat ng araw.

“Nanaginip ka na naman, Liza!” sabi nito. “Ang lakas ng sigaw mo. Ano na naman ba ang napanaginipan mo?”

Napahikbi siya at napaiyak sa mga palad. “Napanaginipan kong hinahabol ako ng tatlong mababangis na asong bulldog” pagsisinungaling niya. “Divie, gutom na gutom na ‘ko…”

“Mag-shower ka na muna,” sabi nito. “Masarap ang almusal natin ngayon.”

“Ano?”

“Orange juice and one donut.”

Buong pagmamadaling naligo na siya para makapag-agahan agad.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

6 responses to “The Neighbors – Kabanata 5”

  • 1 dionabeth says:
    August 26, 2009 at 12:35 pm

    ang gnda ng kwento khit papano next chapter n apls

  • 2 lonely prince 14 says:
    August 26, 2009 at 8:00 pm

    ang ganda ng kwento… nxt episode na po… sana mai-post n po ninyo ang susunod n mga chapters…. i’ll wait…. :bd

  • 3 jp says:
    August 27, 2009 at 9:57 am

    that’s the story but bitin parin eh..hehe dapat medyo magkakaroon din ng konting tampuhan sina sammy and liza until malaman nila na mahala na pala nila ang isa’t isa… kung papano yn mangyayari nasa inyo ulit..kailangang mahuli ang kiliti ng mga mambabasa wala silang kakamuhian sa mga karakter bagkus mamahalin nila. at habang binabasa nila ang story ang pakiramadam nila sila ang mga karakter na gumaganap…
    good work guy’s” just keep it on….

  • 4 bunny says:
    August 27, 2009 at 1:22 pm

    waaaaaaaaa ang saya2x
    next chapter na ate
    thanks ………

  • 5 bunny says:
    August 27, 2009 at 1:23 pm

    waaaaaaaaa ang saya2x
    next chapter na po ate
    thanks…

  • 6 cheche says:
    August 29, 2009 at 12:34 pm

    kailan po ung next chapter??

Mag-iwan ng mensahe...