Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 6

Mangiyak-ngiyak na naibaba ni Liza ang lalagyan ng kanyang scrable tiles. “Pambihira naman kayo. Kung anu-anong iniisip ninyo tungkol doon sa tao. Broken-hearted na nga at nagmukha pang kawawa dahil sa nangyari… pinagtatawanan n’yo pa!”

“Oyyy…!” Humagikhik si Divie. “Ipinag-tatanggol na n’ya si Sammy. Teka, Rad… baka kaya may iba nang motibo si Sammy sa kaibigan kong ito!”

Sumeryoso si Rado. “You mean… baka kay Liza naman siya na-in love pagkat nabasted nga sa yo?”

“It’s possible!” ani Divie. “Maganda naman si Liza kundi nga lang sobrang healthy!”

“Hus, hindi mo pa deretsahing mataba!” irap niya kay Divie. “Sobrang healthy ka pa d’yan! No, I don’t believe na magkakagusto sa akin ang Sammy na ‘yon. He’s just too proud for that. Guwapo naman siya. Isang engineer na pampito sa top notchers nang mag- take ng board exam. May magandang kotse. Bakit naman sa isang tabatsoy na katulad ko siya mai-in love?”

Tumingin si Divie kay Rado. “How do you answer that, darlin’?”

“Well… ” ani Rado na wari’y nagkokonsentreyt sa mga tiles, “siguro, meron siyang ulterior motive. Yes, that’s it.”

Napatingin na rin si Liza kay Rado. “Ulterior motive? Like what, Rad?”

“Hindi lang kayo mag-bestfriend ni Divie,” ani Rado. “Para na rin kayong magkapatid. Right?”

“Right!” sabay pang sagot nila ni Divie.

“Siguro’y gusto niyang gumanti,” dugtong ni Rado. “Paiibigin ka niya. Kunwari’y sincere talaga siya sa yo. At pagkatapos mo siyang matutuhang ibigin bigla ka niyang bibreykin!”

“Naku, Liza, baka nga ganoon lang ang intensiyon niya!” parang hilakbot na baling sa kanya ni Divie. “Sa ‘yo siya gustong guman —”

“Over my dead body!” aniya. “Hindi na niya ako puwedeng paibigin, Divie. Wala nang lalaking puwede pang magpatibok dito sa mataba at Dabianang puso ko pagkat matagal ko nang isinumpa yang tinatawag na pag-ibig! Hmp!”

“E bakit pumayag kang siya ang maghatid sa ‘yo bukas patungong Circle?” nagtatawang tanong ni Rado.

Para makakain ako ng goto! Ohhh, sarappp! “Napa-oo na lang ako dahil makulit, e. Ano’ng gusto ninyong isipin niya — wala akong word of honor?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

2 responses to “The Neighbors – Kabanata 6”

  • 1 charmz says:
    December 6, 2010 at 3:14 am

    prang aq ung bida? cmula na mheartbreak ala na gnwa kundi kumain at m2log!:D

  • 2 Gladden says:
    January 24, 2011 at 3:53 pm

    Asan na ung nxtchaptr?

Mag-iwan ng mensahe...