Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 6

Umiling ito. “Isang pandesal na rin lang ang kakainin ko.”

“Sige na,” aniya. “Hindi ka naman nagda-diet.”

“Oo. Pero para namang tinu-torture kita habang ham sandwich ang kinakain ko at ikaw e pandesal lang. Kung gusto mo, hati tayo sa ham —”

“Ssshh!” Idinikit niya nang pahalang sa kanyang mga labi ang isang daliri. Paanas, “Gising si Divina. Maiinis ‘yon kapag kumain ako ng sobra pa sa isang pandesal.”

“All right,” naiiling na sabi ng binata. “Let’s have our breakfast.”

ALAS-SIYETE ng umagang iyon, nililibot na nila ang inner circumferential lane ng Cirlce. Kabilang na sila sa pabilog na daloy ng mga taong nagsisipag-jogging doon.

“Magpapahinga tayo after an hour,” ani Sammy. “Iinom lang tayo ng mineral water. Then after about fifteen minutes, tatakbo uli tayo hanggang nine. Okay?”

“Okay,” tango niyang humihingal at pawisan na. “And then… m-magmimeryenda na tayo ng goto?”

Tumango si Sammy. “And Diet Coke plus a plate of fruit salad without cream.”

“Sammy, you’re spoiling me!”

“Fruit salad will do you no harm. Ako’ng bahala sa yo!”

Tama talaga sina Rado at Divie. Tutuksuhin ako nito sa pagkain. Well, I’m glad they’re right! Me fruit salad pa pala ako! Oh, thank you Lord….

“MAGKAKAROON na ako ng kasama sa apartment ko, Liza, Divie,” pahayag ni Rado kinabukasang nagtatanghalian sila sa canteen ng MDCI. “Susunduin ko sila mamaya.”

Saglit na nagkatinginan sila ni Divie. “New neighbors,”ani Liza. At bumaling siya kay Rado. “Male or female?”

“Male and female,” ani Rado. “Mag-ina sila. Ang Tiya Lucy ko na taga-Lucena City at ang anak niyang si Boboy na mag-e-enrol sa college this coming June. Hindi na ako kukuha ng maid-labandera. Si Tiya Lucy na lang.”

“Taga-Lucena City?” ani Divie. “Hindi ba’t taga-Davao kayo?”

“Ang lolo ko, oo,” ani Rado. “Pero ang mga parents ko’y tubong Lucena, Quezon. Nasa elementary na ako nang mamatay ang lolo ko. Kay Papang niya ipinamana ang bahay niya sa Davao City kaya naging tagaroon kami.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

2 responses to “The Neighbors – Kabanata 6”

  • 1 charmz says:
    December 6, 2010 at 3:14 am

    prang aq ung bida? cmula na mheartbreak ala na gnwa kundi kumain at m2log!:D

  • 2 Gladden says:
    January 24, 2011 at 3:53 pm

    Asan na ung nxtchaptr?

Mag-iwan ng mensahe...