Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 7

MAKARAAN lang ang tatlong araw, parang matagal at dati nang kakilala nina Liza ang guwapong pinsang-buo ni Rado.

Huwebes ng gabi, kapartner ito ni Liza sa paglalaro ng scrabble laban kina Rado at Divie.

“Talo na yata tayo,” sabi ni Boboy nang ang huling itira nito ay umiskor lang ng 11 points.

“Bakit ‘yon ang inilagay mo? Wala ka na bang ibang maitira?”

“Gimik ko lang ‘yon, Liza,” sabi nito. At inilapit nito sa mukha niya ang ulo. Pabulong, “Na ke Ate Divie yong letter Z. Kaya tinakpan ko ‘yong letter O. Baka kasi mailagay sa tripple letter kung ma-form niya ang word na ‘ooze’.”

“A, gano’n ba?” anas din niya. “Good.”

“Sabi ko sa yo, inspired akong maglaro ngayon dahil ikaw ang kapartner ko, e.”

“Ow?”

“Yes. Kasi…” Bahagya nitong kinuyom ang kanang palad, idinikit sa mga labi, inilapit sa isa niyang tainga at hininaan pa ang boses. “Kasi, Liza, I love you.”

“Tarantado!” napapahagikhik na naisigaw niya. “Naku, Boboy — sasakalin na kita d’yan!” Tumayo siya at hinarap ito. “Wala ka nang alam lokohin kundi ako, ha! Teka nga —”

Nagtatawang tumayo ito at tumakbo patungong kusina. “Ate Divie, o! Sasakalin daw ako!”

“Bakit, Liza?” natatawang tanong ni Divie. “Ano na naman ba ang ibinulong sa ‘yo ng lalaking yan?”

“Pinagpapraktisan akong digahan!” aniyang bumalik na sa kanyang sopa. “‘Alang magawa!”

“Boboy, hindi katalo si Liza, ha?” ani Rado habang naglalagay ng mga tiles sa board. “Parang kapatid ko na rin yan.”

“Hindi ba tayo puwedeng maging parang magbayaw naman, Kuya Rad?” anang binata na bumabalik na rin sa upuan. “Type na type ko kasi ang beauty niya, e. Ang cute!”

“Ay, sorry, Boboy,” ani Liza. “Me boyfriend na ‘ko. Kita mo tong singsing na ‘to?” Ikinumpas niya ang kaliwang kamay sa harap nito. “Engagement ring namin to.”

“I don’t believe it,” ani Boboy. “Apat na araw na ‘ko rito, hindi ko man lang nakikitang me dumadalaw sa ‘yo. Saka… hindi ganyan ang engagement ring, ‘no? Ang laki-laki naman ng bato niyan! Tingnan mo ‘yong ke Ate Divie… simple lang.”

Napailing siya. May duda siyang hindi nagbibiro lang si Boboy. Talagang infatuated ito sa kanya. “Kung ayaw mong maniwala,” aniya, “di… h’wag!”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

9 responses to “The Neighbors – Kabanata 7”

  • 1 lonely prince 14 says:
    August 29, 2009 at 4:53 pm

    ang cute ng story… bkit gnun ung pages 1-3 inulit lang…
    sna mai-upload n ninyo ang susunod n chapter… 0:-)

  • 2 kay says:
    August 29, 2009 at 9:52 pm

    nakakatuwa naman ung story kaso nabitin ako hehehe…next chapter na! thanks for posting! goodluck!

  • 3 lonely prince 14 says:
    August 30, 2009 at 6:05 pm

    ay ind pala umulit… naduling lang pala aq s pagbabasa… sori po…:-p

  • 4 dionabeth says:
    August 31, 2009 at 7:11 am

    ang ganda po ng story.next chapter na pls.araw po akong ng aabang ng bagong episode.

  • 5 bunny says:
    August 31, 2009 at 10:37 am

    weee
    gogogo next chapter pls

  • 6 vhAncE_23 says:
    November 5, 2009 at 6:50 pm

    hEhEhE…. iLuv d’z pArt….
    keep wriTNg
    gUd nOvELs
    Lyk dS…
    rEqUest xna
    Ung kwEntO
    Abwt nmAn
    sA stUdEnT..
    Or tEen AgEr..
    hEhEhE,
    mOrE idEas tO cOmE
    prA mdAmEng nOvELs nA
    mA pOst…
    gOdbLeSs…

  • 7 mj says:
    November 10, 2009 at 12:38 pm

    Ang GandaWala aQoh mxabi!honestly its my first time to read like this…”,)

  • 8 jaja says:
    November 10, 2009 at 12:42 pm

    bakit ganon……?magnda sanakaya lang kakabitin.

    • 9 jaja says:
      November 10, 2009 at 12:43 pm

      gusto ko more pa!!!pls

Mag-iwan ng mensahe...