Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 7

“I’m having nightmares,” aniya. “Believe it or not. Naroong mapanaginipan kong kumakain ako ng paborito kong ube cake. Tapos, biglang aagawin ng aso. Naroong pinipilas ko raw ang isang tainga ng litsong baboy. Tapos, biglang nabuhay ‘yong litson at hinabol ako! If those were not nightmares, what do you call them— sweet dreams?”

Sa nadamang habag ay naiakbay ng binata ang isang bisig sa kanya. Kinabig siya nito. “I’m sorry, ” sabi nito. “Kung ako nga ang masusunod, hindi ko na kukunin ang singsing na ‘yan. So you won’t have to go through dieting at all. Maganda ka naman kahit mataba. Besides, it’s just a ring, you know. It could be a friendship ring or — oh, here I am again!”

Nagtatawa, nanunudyong inulit niya at itinuloy ang gustong sabihin ng binata: “It could be a friendship ring or an engagement ring. Depends upon you.” Kasunod niyon ang malakas na pagtawa. “Hindi tumalab ke Divina ang gimik mo, pare ko!”

Biglang inalis ni Sammy ang braso nito sa pagkakaakbay sa kanya. Ipinamulsa nito ang mga kamay at walang imik na nagpatuloy sa paglalakad, nakatungo.

Napahawak siya sa isang bisig nito. “Hoy, napikon ka ba? Accept it… just accept it. Hindi talaga kayo ang magkapalad.”

Tumango ito. “Yeah, tinatanggap ko na ‘yon.” Huminga ito nang malalim. “Pero bakit kailangang bawiin ko pa ang singsing na ‘yan? Puwede naman talagang friendship ring lang ‘yan. And I mean it.”

Inugoy niya ang braso nito. “Mamalasin daw ang inyong angkan kapag napunta ito sa di kinauukulan.”

“Kalokohan lang ‘yon!”

“Sabihin mo nga iyan sa mommy mo, aber?”

Pangiting tumingin ito sa kanya. “E di binatukan ako n’on? Halika na… tumakbo na uli tayo.”

Nagpatuloy sila sa pagdya-jogging.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

9 responses to “The Neighbors – Kabanata 7”

  • 1 lonely prince 14 says:
    August 29, 2009 at 4:53 pm

    ang cute ng story… bkit gnun ung pages 1-3 inulit lang…
    sna mai-upload n ninyo ang susunod n chapter… 0:-)

  • 2 kay says:
    August 29, 2009 at 9:52 pm

    nakakatuwa naman ung story kaso nabitin ako hehehe…next chapter na! thanks for posting! goodluck!

  • 3 lonely prince 14 says:
    August 30, 2009 at 6:05 pm

    ay ind pala umulit… naduling lang pala aq s pagbabasa… sori po…:-p

  • 4 dionabeth says:
    August 31, 2009 at 7:11 am

    ang ganda po ng story.next chapter na pls.araw po akong ng aabang ng bagong episode.

  • 5 bunny says:
    August 31, 2009 at 10:37 am

    weee
    gogogo next chapter pls

  • 6 vhAncE_23 says:
    November 5, 2009 at 6:50 pm

    hEhEhE…. iLuv d’z pArt….
    keep wriTNg
    gUd nOvELs
    Lyk dS…
    rEqUest xna
    Ung kwEntO
    Abwt nmAn
    sA stUdEnT..
    Or tEen AgEr..
    hEhEhE,
    mOrE idEas tO cOmE
    prA mdAmEng nOvELs nA
    mA pOst…
    gOdbLeSs…

  • 7 mj says:
    November 10, 2009 at 12:38 pm

    Ang GandaWala aQoh mxabi!honestly its my first time to read like this…”,)

  • 8 jaja says:
    November 10, 2009 at 12:42 pm

    bakit ganon……?magnda sanakaya lang kakabitin.

    • 9 jaja says:
      November 10, 2009 at 12:43 pm

      gusto ko more pa!!!pls

Mag-iwan ng mensahe...