Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 8

E yong dampi ng halik sa kanyang mga labi?

A friendly kiss?

Biglang nagtagis ang kanyang mga bagang. Tarantadong Sammy ‘yon, a! Bakit sa labi pa niya ako hinagkan e alam naman niyang nagdadrama lang kami ke Boboy?

Napabuntunghininga siya. Para pa rin niyang nararamdaman sa mga labi ang halik na iyon ni Sammy, na kumbaga’y patak ng hamog sa isang rosas na napawalay sa karamihan, kaytagal nang walang pumapansin, sa nagdaang dalawang tag-araw.

Bakit parang pinapaibig nga niya ako? pag-tataka niya sa isip. Para labis na masaktan lang kapag nagtagumpay siya? Ito ba ang naisip niyang paraan para magantihan si Divie?

Bigla, napamulat siya at tumayo. Naniningkit ang mga matang pumanhik na siya at nagkulong sa kanyang kuwarto. Nang masulyapan ang stationary bike, kahit pagod pa sa pagdya-jogging kanina ay sumakay siya roon at ini-adjust ang timer, gayundin ang friction belt na nagpapabigat o nagpapagaan sa pagpedal.

Isinet niya ang timer sa 30 minutes. Sa kanyang relo, mahigit pang kuwarenta minutos bago mag-alas-dose ng tanghali.

Ipinangako niya sa sariling tatlong soda crackers at isang hiwang pritong karne ng baka lamang ang magiging tanghalian niya sa araw na iyon.

Ipinangako rin niya sa sarili na sa loob lang ng susunod na isa o dalawang linggo ay ibabalik niya ang dating pigura ng kanyang katawan.

Tarantado ka nga siguro, Engr. Sammy Cuervas! nagngingitngit niyang naisaloob. Para ngang ayaw mong mahugot sa daliri ko ang singsing na ito. You want me to take my time. Gusto mong manatili akong tabatsoy at paiibigin mo nga siguro ako para lang basagin ang puso sa dakong huli. Hah! Over my dead body’.

Binilisan niya ang pagpipedal. Hinigpitan pa ang friction belt. Sa isip niya’y wala na ngang puwede pang magpatibok ng kanyang puso upang muling umibig at masaktan. Hindi na mababago ang kanyang motto: Be happy – don’t ever catch the love virus again!

Pero ikinagalit niya ang suspetsang baka nga gumaganti lang kay Divina si Sammy. Kumbaga’y sa kabayo ang hataw, sa kalabaw naman ang latay.

Tingnan natin, Sammy kung sino ang babasag ng kaninong puso sa dakong huli! Mapa-patunganga ka sa beauty ko at mai-in-love ka sa akin a week or two from now, damuho ka!

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

11 responses to “The Neighbors – Kabanata 8”

  • 1 g-yan says:
    September 2, 2009 at 7:57 am

    nakakapanabik naman!!!
    hahaha! si Liz naman! sige! magpapayat ka! tignan natin kung ano ang mangyayari!!!
    update soon!!!

  • 2 erem says:
    September 2, 2009 at 4:18 pm

    ano ba yan!! Bitin naman!!! tapusin nyo na poh!!! hehehehe!! thankssss

  • 3 dionabeth says:
    September 3, 2009 at 3:17 am

    ang ganda mo po ng story..nasa chapter na pls at saka ma end n yong story.ganda po tlga

  • 4 larah says:
    September 3, 2009 at 4:18 am

    pls post ny0 na ung next chapter…looking foreward t0 it…s0ooo much…

  • 5 Tess says:
    September 3, 2009 at 9:51 am

    naku…sabik na akong matapos yan…nakakabitin.

  • 6 Bembem says:
    September 4, 2009 at 8:01 am

    Hi po.. sana may kadugtong na.. di ko pa nababasa kasi wala pang kadugtong… pls naman po… salamat!

  • 7 lonely prince 14 says:
    September 4, 2009 at 8:32 pm

    wow!!! bago n ung itsura ng site ah…
    mas nk2ganang magbasa…
    may kanta pa…. Amazing…
    i just can think a word for this…
    think we need to create a new word to describe this….

    • 8 Tagapangasiwa says:
      September 4, 2009 at 8:51 pm

      salamat naman po kung na-appreciate mo ‘tong mga pagbabago sa site natin 😀

      yung comment mo yata noong isang araw ang naging inspirasyon kung bakit merong mga konting changes dito 😉 ty.

  • 9 vhAncE_23 says:
    November 5, 2009 at 7:05 pm

    ..+kiLig ds pArT
    kAbAnAtA 9.2….

    hahAhAhAhA…

    mOrE pOwErs,,…

    ALmOst 7
    mOs..
    ncUng di nkA2bAsA
    ng pOckEt bOoks..
    tNx sA wEbsiTe n2..

    d2 kC AcUe kOrEa..
    wLang pOckEt bOok d2..
    hehehehe….
    tnx,…aLot…

  • 10 shy gurl says:
    April 19, 2010 at 11:06 am

    ganda nman po ng story nio po .kung nanaisin nio po sana pgbigyan nio po favor kong icopy paste ko po e2 sa site club ko po?dont worry po.lalagyan ko po ng inyong pangalan upang ang iba po ay malamn po ang inyong magandang akda.salamat po.sana’y pumayag po kyo sa aking request.kung nd nman po malugod q rin pong mauunawaan.thank u.Godbless.

  • 11 shy gurl says:
    April 19, 2010 at 11:15 am

    kung payag po kayo ay iemail back nio lang po ko sa aking email add.tnx po ult.more power author!

Mag-iwan ng mensahe...