Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 8

NAKATULOG siya nang makapananghalian ng tatlong crackers at isang hiwang pritong baka. Bandang alas-sais, nagising siya sa yugyog ni Divie. Nakabalik na ang mga ito mula sa San Jose Del Monte, Bulacan.

“Kakain na tayo,” sabi nitong umupo sa gilid ng kanyang kama. “‘Lika na…”

Nag-inat siya. “Bakit kasama pa ninyo si Tiya Lucy sa Bulacan?”

“Gusto raw niyang ma-meet ang mga partidos ko. Alam mo na… preparatory sa pangusisaan.”

“Oyyy… totohanan na talaga!. Kelan ba kayo pakakasal?”

“Matagal pa. Ayaw pa ni Daddy na mag-asawa ako, e. Good news nga pala. Pinapayagan ka ni Rado na maghapunan ng apat na talangkang isasawsaw sa sukang me sili, isang hiwang manggang hinog, isang tasang kanin at diet Coke.”

Napabalikwas siya ng bangon. “Talaga?”

“Oo. Halika na…”

Kinilig siya sa pananabik at agad kumalam ang kanyang tiyan. “Talangkang isasawsaw sa sukang me sili! O, sarappp…!”

Nauna pa siyang makalabas ng kanyang kuwarto. Kasunod niya sa hagdan ang natatawang kaibigan. Pero nang nasa ibaba na siya ay bigla siyang napaupo sa huling baitang at nangalumbaba.

“O, bakit?” kunot-noong lingon sa kanya ni Divie paglampas nito sa kanya. “Ano’ng problema?”

“Tama siguro kayo ni Rado, e,” aniya. “Ini-spoil ako ni Sammy. Kanina, tinukso na naman niya akong kumain kami ng goto pagkatapos kong magpakabusog sa fruit salad. Buti na lang, napaglabanan ko’ng sarili ko.”

Napamulagat si Divie. “Tarantado yon, a!”

“Oo nga. At binigyan pa ako ng isang mapulang rosas kanina. Hayan sa tokador ko, o. Unti-unti niya akong pinapaibig, Divie. Siguro nga e para makaganti sa yo.”

“Hindi ka naman gaga para magpasilo sa kanyang bitag, ‘no?” naniningkit ang mga mata at gigil na sabi ni Divie. “Bakit β€” natatakot ka bang ma-fall in love sa kanya?”

“No! On the contrary, nakakaramdam ako ng matinding galit. At gusto kong makipaglaro sa kanya.” Naningkit din ang mga mata niya sa galit at naibayo pa niya ang isang kamao sa palad. “Siya ang sisiluin ko sa bitag. Siya ang paiibigin ko! And let’s see who’s breaking whose heart a week or two from now. Pakisabi na lang ke Rad na salamat. Pero tatlong crackers lang at isang talangka ang kakainin ko ngayong gabi! No rice!”

“Sigurado ka?”

“Yes! B-but… can I make a r-request, Divie?”

“What?”

“Puwede bang β€˜yong talangkang ibibigay n’yo sa akin e babae para me aligi?”

“Heh!”

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

11 responses to “The Neighbors – Kabanata 8”

  • 1 g-yan says:
    September 2, 2009 at 7:57 am

    nakakapanabik naman!!!
    hahaha! si Liz naman! sige! magpapayat ka! tignan natin kung ano ang mangyayari!!!
    update soon!!!

  • 2 erem says:
    September 2, 2009 at 4:18 pm

    ano ba yan!! Bitin naman!!! tapusin nyo na poh!!! hehehehe!! thankssss

  • 3 dionabeth says:
    September 3, 2009 at 3:17 am

    ang ganda mo po ng story..nasa chapter na pls at saka ma end n yong story.ganda po tlga

  • 4 larah says:
    September 3, 2009 at 4:18 am

    pls post ny0 na ung next chapter…looking foreward t0 it…s0ooo much…

  • 5 Tess says:
    September 3, 2009 at 9:51 am

    naku…sabik na akong matapos yan…nakakabitin.

  • 6 Bembem says:
    September 4, 2009 at 8:01 am

    Hi po.. sana may kadugtong na.. di ko pa nababasa kasi wala pang kadugtong… pls naman po… salamat!

  • 7 lonely prince 14 says:
    September 4, 2009 at 8:32 pm

    wow!!! bago n ung itsura ng site ah…
    mas nk2ganang magbasa…
    may kanta pa…. Amazing…
    i just can think a word for this…
    think we need to create a new word to describe this….

    • 8 Tagapangasiwa says:
      September 4, 2009 at 8:51 pm

      salamat naman po kung na-appreciate mo ‘tong mga pagbabago sa site natin πŸ˜€

      yung comment mo yata noong isang araw ang naging inspirasyon kung bakit merong mga konting changes dito πŸ˜‰ ty.

  • 9 vhAncE_23 says:
    November 5, 2009 at 7:05 pm

    ..+kiLig ds pArT
    kAbAnAtA 9.2….

    hahAhAhAhA…

    mOrE pOwErs,,…

    ALmOst 7
    mOs..
    ncUng di nkA2bAsA
    ng pOckEt bOoks..
    tNx sA wEbsiTe n2..

    d2 kC AcUe kOrEa..
    wLang pOckEt bOok d2..
    hehehehe….
    tnx,…aLot…

  • 10 shy gurl says:
    April 19, 2010 at 11:06 am

    ganda nman po ng story nio po .kung nanaisin nio po sana pgbigyan nio po favor kong icopy paste ko po e2 sa site club ko po?dont worry po.lalagyan ko po ng inyong pangalan upang ang iba po ay malamn po ang inyong magandang akda.salamat po.sana’y pumayag po kyo sa aking request.kung nd nman po malugod q rin pong mauunawaan.thank u.Godbless.

  • 11 shy gurl says:
    April 19, 2010 at 11:15 am

    kung payag po kayo ay iemail back nio lang po ko sa aking email add.tnx po ult.more power author!

Mag-iwan ng mensahe...