Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 9

Parang nagulat pa ito at kaagad nagtangkang tumayo sa swing. Gumiwang ang swing at muntik na itong tumihaya. Nauntog ito sa isang haligi.

“Arekuph…!” sabi nitong sinapo ng palad ang nauntog na noo. Paupong bumagsak ito sa isang upuan. “My God… bakit bigla yatang lumuhod ang mga tala sa aking harapan?”

Nagtatawang sumakay si Liza sa swing at naupo sa tabi nito. “Hoy,” aniyang humawak sa isang braso ng binata. “Ano bang kadramahan mo to, Boboy?”

“‘Ala,” sabi nitong sumulyap sa kanya at tumungo. Para itong nahimasmasan agad sa tabi niya. “G-gusto lang naman kitang makita at makausap ngayong gabi, e. Gising pa naman sina Kuya Rado at Ate Divie… p-pero ayaw ka nilang tawagin.”

“E kasi nga’y tulog na siya,” ani Divie. “Boboy, what’s happening to you? Para ka talagang sira d’yan!”

Tumungo ito at umiling.

Napabuntunghininga si Liza. Ganito rin ka-immature ang ex-BF niyang si Marvin. Masyadong emotional. Ganito ang tipo ng lalaking minahal niya noon at naging dahilan kaya ayaw na niyang umibig uli.

“Liza, pagpasensiyahan mo na ang pinsan ko,” ani Rado. “Talaga lang sigurong masama ang tama n’yan sa ‘yo. Bata pa kasi at maagang naulila sa ama.”

Tumango siya. “Okey lang, Rad. Sige na… mag-uusap kami sandali.”

Magkaakbay pang pumasok na sa apartment sina Rado at Divie.

NAKATUKOD ang mga siko sa tuhod, nakatakip sa mga tainga ang dalawang palad, bumuntung-hininga si Boboy ilang minuto matapos silang magkasarilinan sa swing.

“P-pasensiya ka na, Liza.”

Tumango siya. “Bakit ka naman magbibigti?” Hinawakan niya ang nylon cord na nakatali sa baybayan ng bubong. Natatawang tinantang. “Sampayan ninyo ito, a.”

“G-gimik ko lang ‘yan… para tawagin ka ni Ate Divie. Sorry, hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, e. Ba’t gano’n? Naglasing na nga kami ng mga kabarkada ko sa Singalong, hindi pa rin magluwag ang dibdib ko.” .

Inihaplos niya ang isang palad sa ulo nito. “Nagselos ka kay Sam — sa nobyo ko, ‘no?”

“Ewan ko ba. Okey naman s’ya, e. Ako’ng hindi okey. Na-love-at first sight ‘ata ako sa yo… at napaiyak ako kaninang matanaw ko na hinagkan ka niya sa lips. S’yota mo na nga!”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

12 responses to “The Neighbors – Kabanata 9”

  • 1 cheche says:
    September 6, 2009 at 12:58 pm

    next pls..

  • 2 mackie says:
    September 7, 2009 at 3:39 am

    aw! bitin nmn… woot woot

  • 3 desa says:
    September 8, 2009 at 5:29 pm

    ,.bitin paki tuloy

  • 4 lonely prince 14 says:
    September 8, 2009 at 6:04 pm

    nxt chapter nmn…

  • 5 Rayane says:
    September 8, 2009 at 10:56 pm

    pktp0s n po ung last chapter..tgl q n po kc w8 ung end ne2..kelan po b lalabas?tnx p0..

  • 6 rHina says:
    September 9, 2009 at 12:55 pm

    pki upload amn yung next..ksi e2 lng libangan ko d2 sa opis..kainip la mbasa eh..tpos at ska md u nlayo ang istorya..ang bgal ng kwento

  • 7 zah says:
    September 9, 2009 at 3:34 pm

    wala pa po ba ung last chapter kakabitin naman po..xaka wala po ba bagong wento…

  • 8 charmz says:
    December 6, 2010 at 5:41 pm

    AnG hBa aMan nG hAiR.. AbOt hNgGanG eDsA..

  • 9 zelle says:
    January 4, 2011 at 10:21 am

    gndA nMan…xfAna d aqu mBitin !!

  • 10 zhy says:
    December 14, 2011 at 6:22 pm

    Hey,, i like this page,,, haha “Naffakasakit daw”…ang cute talaga ni boboy, buti my boboy na nasali sa character!! Haha

  • 11 zhy says:
    December 14, 2011 at 6:22 pm

    Hey,, i like this page,,, haha “Naffakasakit daw”…ang cute talaga ni boboy, buti my boboy na nasali sa character!! Haha

  • 12 jennysweety_21 says:
    December 30, 2011 at 12:43 am

    bakit an daming nagtatanong,na about sa next chapter,may kasunod naman ahh..,

Mag-iwan ng mensahe...