Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 9

Bumuntunghininga siya. “Pares ka rin ni Marvin, ng ex-BF ko. Ganyan din siya no’ng kaedad mo. Masyadong sentimental. Pareho kami noon, Boboy. Grabe rin akong ma-in-love. Kaya akala ko, kami na talaga. Pero hayun… me asawa na siya sa Dagupan City. Minsa’y nabigo rin ako at naiintindihan kita. Pero gano’n talaga, e. Hindi laging hardin ng mga rosas ang mundong ito.”

Tumango ang binata. “Mabait ka. At ma-unawin pa. Maganda ka di lang sa panlabas. Oo, medyo nga mataba ka pero maganda ka at tayp na tayp kitang tulad ni Judy.”

“Judy?”

“Judy Ann Santos.”

“I see,” aniyang pangiting napatango. Sus, ang korni! “Kamukha pala ako ng paborito mong artista.”

“Oo. At hindi ka tulad ni Ate Myrnang masungit.”

“‘Yong sister mong nasa Singapore?” Tumango si Bobby. “Me itsura din sana yon. Kaya nga lang e masungit. Kaya ‘ayun… ‘alang magkagusto.”

Alin kaya ang mas effective na paraan to avoid the love virus? Katakawan o kasungitan? A, sa donut pa rin ako. “Ano’ng pag-uusapan natin, Boboy?”

“Wala. Sasabihin ko lang na mahal na mahal pa rin kita kahit bigo ako sa ‘yo.” Itinutop nito ang isang palad sa dibdib. “Ang sakit dito, e! Gago naman talaga ako, dati na. Pero mas gago ako ngayon dahil… shit, sa ‘yo pa ako nainlab.”

“Sayang. Love din sana kita. Kaso, huli ka na nga, e.”

“T-totoo? M-mahal mo rin ako?”

“Oo naman. Kaya lang… 18 ka lang at ako’y 24. Okey, wala rin naman ‘yon. Age doesn’t matter, sabi nga. Pero me nobyo na nga ako, e.”

Tumango ito. “Yeah, I understand.”

“Matulog na tayo… me pasok ako bukas.”

Tumango ito. “Sorry. Gusto lang talaga kitang makita ngayong gabi. Di ko maipaliwanag kung bakit. Kasi nga mahal na mahal kita. I promise, ito na’ng huling pamimerh’wisyo ko sa ‘yo. Hindi ito salitang lasing.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

12 responses to “The Neighbors – Kabanata 9”

  • 1 cheche says:
    September 6, 2009 at 12:58 pm

    next pls..

  • 2 mackie says:
    September 7, 2009 at 3:39 am

    aw! bitin nmn… woot woot

  • 3 desa says:
    September 8, 2009 at 5:29 pm

    ,.bitin paki tuloy

  • 4 lonely prince 14 says:
    September 8, 2009 at 6:04 pm

    nxt chapter nmn…

  • 5 Rayane says:
    September 8, 2009 at 10:56 pm

    pktp0s n po ung last chapter..tgl q n po kc w8 ung end ne2..kelan po b lalabas?tnx p0..

  • 6 rHina says:
    September 9, 2009 at 12:55 pm

    pki upload amn yung next..ksi e2 lng libangan ko d2 sa opis..kainip la mbasa eh..tpos at ska md u nlayo ang istorya..ang bgal ng kwento

  • 7 zah says:
    September 9, 2009 at 3:34 pm

    wala pa po ba ung last chapter kakabitin naman po..xaka wala po ba bagong wento…

  • 8 charmz says:
    December 6, 2010 at 5:41 pm

    AnG hBa aMan nG hAiR.. AbOt hNgGanG eDsA..

  • 9 zelle says:
    January 4, 2011 at 10:21 am

    gndA nMan…xfAna d aqu mBitin !!

  • 10 zhy says:
    December 14, 2011 at 6:22 pm

    Hey,, i like this page,,, haha “Naffakasakit daw”…ang cute talaga ni boboy, buti my boboy na nasali sa character!! Haha

  • 11 zhy says:
    December 14, 2011 at 6:22 pm

    Hey,, i like this page,,, haha “Naffakasakit daw”…ang cute talaga ni boboy, buti my boboy na nasali sa character!! Haha

  • 12 jennysweety_21 says:
    December 30, 2011 at 12:43 am

    bakit an daming nagtatanong,na about sa next chapter,may kasunod naman ahh..,

Mag-iwan ng mensahe...