Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 9

Napahagikhik si Divie. “Kelangan yatang kahit minsan this week e makapunta uli sa atin si Sammy para maging mas makatotohanan ang drama n’yo.”

“Tsk!” aniya. “Madali lang naman ‘yon. Tiyak kong magko-cooperate siya. Pero… duda na nga ako sa lalaking ‘yon. Bakit nga kaya parang gusto na niya akong ligawan?”

“Who knows?”ani Rado. “Anything is possible. Na-focus sa ‘yo ang atensiyon niya pagkat sa’yo napunta ang singsing na ‘yan. Hindi natin alam kung ano ang psychological effect niyon sa isang tulad ni Sammy.”

“Oo nga,” pagsang-ayon ni Divie. “At kung na-in-love sa ‘yo ang isang kabataang tulad ni Boboy, bakit hindi rin si Sammy?”

“Pero kayo ang nagsabing baka may ulterior motive siya.”

“Puwede rin nga,” ani Rado. “That’s why I said anything is possible — including an ulterior motive!”

Napatiimbagang siya at bahagyang naningkit ang mga mata. Mas posible ang ulterior motive, aniya sa sarili. Maybe he really wants to break my heart to get even with Divina.

Isang makahulugang ngiti ang hinayaan niyang sumungaw sa isang sulok ng kanyang bibig. Tingnan lang natin, Sammy!

Kung meron ka ngang ulterior motive… game!

PINIPINTAHAN na ang tubular railing ng bagong tulay na ginawa ng Countrywide Builders Inc. sa Paniqui, Tarlac nang umagang iyon, Miyerkules. Si Sammy ang ipinadala ng opisina para mag-inspeksiyon at alamin kung may reklamo pa ang provincial engineering office.

Matandang inhenyero ang kinatawan ng gobyerno. Lumapit ito sa kanya matapos niyang kausapin ang isang tagapinta.

“Cuervas, ilang pasada ba ang nakalagay sa job specification?” tanong nito. “Hindi ba’t tatlo?”

“Oho,” aniya. “Pero kasama na ‘yong first coating.”

“Alam ko. Pero dalawang coating lang ‘yong ginawa n’yo sa kabilang gilid.”

“Kasi ho e dati nang may first coating ang mga tubo. Kaya nga ho ganyang klaseng tubo ang binili namin e para makatipid sa oras.”

Umiling ito. “Ewan ko lang kung papayagan sa opisina to. Inaatake na nga kami ng mga provincial newspapers dahil overpriced daw ang kontrata…”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

12 responses to “The Neighbors – Kabanata 9”

  • 1 cheche says:
    September 6, 2009 at 12:58 pm

    next pls..

  • 2 mackie says:
    September 7, 2009 at 3:39 am

    aw! bitin nmn… woot woot

  • 3 desa says:
    September 8, 2009 at 5:29 pm

    ,.bitin paki tuloy

  • 4 lonely prince 14 says:
    September 8, 2009 at 6:04 pm

    nxt chapter nmn…

  • 5 Rayane says:
    September 8, 2009 at 10:56 pm

    pktp0s n po ung last chapter..tgl q n po kc w8 ung end ne2..kelan po b lalabas?tnx p0..

  • 6 rHina says:
    September 9, 2009 at 12:55 pm

    pki upload amn yung next..ksi e2 lng libangan ko d2 sa opis..kainip la mbasa eh..tpos at ska md u nlayo ang istorya..ang bgal ng kwento

  • 7 zah says:
    September 9, 2009 at 3:34 pm

    wala pa po ba ung last chapter kakabitin naman po..xaka wala po ba bagong wento…

  • 8 charmz says:
    December 6, 2010 at 5:41 pm

    AnG hBa aMan nG hAiR.. AbOt hNgGanG eDsA..

  • 9 zelle says:
    January 4, 2011 at 10:21 am

    gndA nMan…xfAna d aqu mBitin !!

  • 10 zhy says:
    December 14, 2011 at 6:22 pm

    Hey,, i like this page,,, haha “Naffakasakit daw”…ang cute talaga ni boboy, buti my boboy na nasali sa character!! Haha

  • 11 zhy says:
    December 14, 2011 at 6:22 pm

    Hey,, i like this page,,, haha “Naffakasakit daw”…ang cute talaga ni boboy, buti my boboy na nasali sa character!! Haha

  • 12 jennysweety_21 says:
    December 30, 2011 at 12:43 am

    bakit an daming nagtatanong,na about sa next chapter,may kasunod naman ahh..,

Mag-iwan ng mensahe...