Share Your Love!

Akala Ko Hindi Mo Pansin – Kabanata 6

Naroon si Josh sa isang malapad na batuhan, nakaupo, nakatingin sa gawi ng bintana ng kanyang silid na tila ba hinihintay na dumungaw siya.

Josh, huwag mong gawin sa akin ito! Pabigla siyang napaalis sa bintana at litong nagbalik sa kama. How dare you! Wala kang karapatang guluhin ako!

Malakas na katok sa pinto ang pumukaw sa kanya.

Josh! Napasiksik siya sa headboard sa pag-aakalang ito ang kumakatok.

“Ate Jean!”

“Yvonne, sandali!” Dali-dali niyang binuksan ang pinto.

“Hi, Ate Jean!” nakangiting mukha ng dalagita ang napagbuksan niya.

“Y-Yvonne, ikaw pala, bakit nakabihis ka yata?”

“Aalis na ako.”

“H-ha? Saan kapupunta?”

“Sa Manila. Mag-aaral ako roon. Naisip ko kasing hindi ako para rito sa isla. Kailangan kong mangarap para malimot kong iniwan ako ni Daniel dahil alangan ang kalagayan namin sa buhay.”

“Yvonne!”

Mapait na ngumiti ang dalagita.

“Pasensiya ka na, ha? Gusto ko lang magpaalam sa iyo kaya kahit gabi na ay kumatok pa rin ako.”

“Wala ‘yon. Kung umalis ka na hindi nagpapaalam sa akin, magtatampo ako.”

“Alam ko naman ‘yon, eh.” Umiiyak na yumakap sa kanya si Yvonne.

“Ingat ka sa Manila, ha? Mas maraming gago roon? Huwag kang magpapauto sa mga lalaki, lalo na ‘yong kagaya ni Steven.”

“Oo. Ikaw rin, ingat ka rito.”

“Oo naman. Sige na, lakad ka na.”

“Sige.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

10 responses to “Akala Ko Hindi Mo Pansin – Kabanata 6”

  • 1 Ana says:
    October 31, 2009 at 8:44 am

    WOW!ganda ng story.sana maipost nyo agad ang susunod na chapter….

  • 2 ja-ne says:
    October 31, 2009 at 10:47 am

    nxt chap na..can wait ganda ng story..sana ma post na ang nxt ng maaga…more power & god speed

  • 3 lilian says:
    October 31, 2009 at 12:13 pm

    hello poh!!!!!!!!!!!mz.andrea…ang ganda2x nyo poh talagang gumawa ng novels…ipagpatuloy nyo poh yan…kayo poh talaga ang pinakaidol ko salahat ng mga authors…alam nyo poh kung bakit …kasi noon pong unang basa ko ng pocketbooks ay naiyak talaga ako at alam nyo buh kung anong story????sa inyo poh yong kay froilan el greco at divine…heheheeh…..imagine naiyak ko noon…grade 6 palang ako????nakakatawa di poh buh!!!!at ngayon nga 2nd yr highskul pang ako ay sumusunod na talaga aqoe sa el greco at fuentebella…yong baon kung 20 sa skul eh…iiponin ko para sa sabadoay makabili aqoe ng novels nyo…hheheh…god bless poh sa inyo…your my inspiration mz.andrea!!!!!!!!

  • 4 eizzy says:
    October 31, 2009 at 4:22 pm

    ayyy bitin ala na po kasunod…sana po pag nag post kau sa susunod ung gang katapusan na..hehehehe ty po ganda ng story ,,,

  • 5 irish says:
    October 31, 2009 at 7:10 pm

    ganda poh..sana poh mapost poh agad ang kasunod..

  • 6 lin says:
    October 31, 2009 at 9:35 pm

    next chapter na po,,,

    ganda ng story, i like it!!!!!!!!!!

    ^_^

  • 7 lumen says:
    October 31, 2009 at 9:41 pm

    nxt chapter pls !!!! tnx po

  • 8 LoUrEnE says:
    November 3, 2009 at 10:00 am

    -waLa pA pO bA yUng nExt chaptEr???

  • 9 Arcangel says:
    November 7, 2009 at 9:47 am

    ito ang hinihintay ko talagang nobela dito kaso nabibitin ako sa kakahintay. Wala bang schedule ng mga posting dito?

  • 10 catherine says:
    May 12, 2010 at 1:14 pm

    hi poh miss andrea galing mo talagang author super nakakakilig lalo na yong story nina kier at nadia, nica and rocky ng el greco empire series nong elementary ako ngayon college nah and i’d continue read to your novels..kikilig talaga..at ang ma fuentevilla family na maga super gwapoo..

    god bless poh..pag pa2loy nyo lng pagawa ng mga magagandang story..

Mag-iwan ng mensahe...