Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 2

“OFF ko pala ngayon ay bakit hindi agad sinabi sa akin kahapon?” naiinis si Emmalyn. Kausap si Betty. “Sayang ang ipinamasahe ko.”

“Ay, naku, Emmy… magpasensiya ka na lang. Either may pagkauliyanin na ang ating personnel manager o —”

“Nananadyang mang-asar ng kapwa!” patlang ni Emmalyn na nagkukukot ang kalooban.

“Kung nasabi agad sa ‘yo kahapon, nakasama ka sana kay Rando. Alam mo, napakasarap na kasama ang taong iyon. Napakagalante. Hindi siya mapagsamantala. Ligtas ka.”

“Inuulit ko, Betty.Hindi ako sumasama sa kahit sinong lalaki hanggang hindi ko siya lubos na nakikilala.”

Napangiti at napakibit-balikat lang si Betty.

Isinara ni Emmalyn ang kanyang shoulder bag matapos ayusin ang mga laman niyon.

“Paano, mauuna na akong umuwi?”

“Sige, magkita na lamang tayo sa bahay.”

Papalabas na ng pinto ng silid-pahingahan ng mga empleyada ng burger house si Emmalyn nang pigilan ni Betty sa kamay.

“Hoy! Mag-iingat ka. Huwag kang sasakay ng jeepney kung pulos lalaki ang mga sakay o iilan lang ang laman. Alam mo na kung gaano kadelikado ang panahon ngayon.”

“Sila ang mag-ingat sa akin!” nagbibiro si Emmalyn. “Lagi akong may baong tear gas at saka magaling akong mangarate.”

“Pag tinutukan ka ng patalim o baril o dili kaya’y pinagtulungan ka ng tatlo o limang lalaki, may magagawa ka ba?”

“Huwag kang mag-alala. Iiwas ako sa disgrasya. Isa pa’y umaga pa lang…sa gabi umaatake ang mga sira ulo.”

“Emmy! Hindi namimili ng oras ang kapahamakan. Anumang oras, ke gabi… ke araw, sumasalakay ang mga halang ang kaluluwa!”

“Huwag ka nang mag-worry. I’ll be all right.”

“Sige, marami nang customers. See you.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

8 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 2”

  • 1 -_yatz_- says:
    March 9, 2009 at 11:19 am

    wala na ba kasunod

  • 2 jalugznd says:
    March 9, 2009 at 11:00 pm

    sis…asan na ung next chapter?

  • 3 Martha says:
    March 9, 2009 at 11:02 pm

    bukas na po yung next chapter, sobrang busy kasi sa office eh, :(

  • 4 carmela says:
    March 10, 2009 at 4:24 pm

    curious ako sa story. sana may kasunod pa

  • 5 prettygurl says:
    July 24, 2009 at 9:10 am

    mas lalo aq0h n0h ang ganda kzi eh…..sis martha my kasunod pa bah i2………..thankzsy
    love yah all

  • 6 Djbhanqsz says:
    September 13, 2010 at 10:22 am

    hello qanda nq story paki add acoh s fb nioh ??

    [email protected]

    [email protected]

    tnx !!!

  • 7 rose says:
    September 17, 2010 at 7:22 pm

    ano vah yan bitin talaga uhhhhhhhhhhhhhmmmmmmmmmmm

  • 8 mar says:
    February 7, 2011 at 8:33 pm

    @ martha question lng poh bkt poh ang sabi nang una sa burger house na pnagtatrabhuhan nia mkkla c rando? Eh bkt kapit bahay ni betty hnd naman nia don nklala sa burger house dba?!hmp,,

Mag-iwan ng mensahe...