Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 2

“See you!”

Paglabas na paglabas ni Emmalyn sa maluwang na kainan kung saan ay napakarami na ang mga nagsisikain ay biglang napahinto siya sa paghakbang. Isang guwapong lalaki na kasintaas din ni Rando ang agad ay ngumiti pagkakita sa kanya.

“Kilala ko ba siya? Bakit ganoon siya kung makatingin? Bakit ganoon katamis ang kanyang ngiti?” sunud-sunod na tanong ng isip ni Emmalyn.

Nagkunwari ang dalagang hindi iyon napansin. Tuluy-tuloy na lumakad patungo sa pintong labasan. Hindi niya sinusulyapan man lamang ang guwapong lalaki. Medyo habaan ang mukha niyon. Unat ang mahabang buhok na gumagapang sa gawing batok. May mga dimples iyon sa magkabilang pisngi nang siya’y ngitian.

Nasa labas na ng pinto ng restorang pinagtratrabahuhan si Emmalyn nang hindi niya natiis na hindi lumingon sa lalaking nakaupo sa isang mega at may iniinom na kape o juice.

Sumasal ang kaba ng dibdib ni Emmalyn nang makitang nakalingon din sa kanya ang lalaki at nakangiti pa rin.

“Diyos ko, sino ba siya?” paanas ay sarili ang tinatanong ng dalaga. “Bakit ganoon siya kung tumingin at ngumiti sa akin? Parang dati na kaming magkakuala.”

Kahit anong piga ang gawin ni Emmalyn para maalala kung saan niya nakita o na-meet ang lalaki ay wala talaga siyang maisip. Wala talaga siyang matandaan.

“Hindi ko siya kilala!”mariinng ngunit pabulong na wika ni Emmalyn.

Malayo na ang nalalakad ni Emmalyn ay palingun-lingon pa rin siya sa burger house na pinagtratrabahuhan niya.

“Ang guwapo niya! Mas guwapo pa kay Rando. Kung pamimiliin ako sa dalawa, ang lalaking iyon na hindi ko kilala ang pipiliin ko. Ang tipo niya ay para bang matured na. Seryoso na sa buhay.” patuloy sa pagsasalita nang nag-iisa si Emmalyn.

“At saan po kayo pupunta?” pinalaking tinig ng isang lalaki ang gumulat kay Emmalyn.

“Rando!” gulat na sambit ng dalaga nang makita ang nakangising binata sa kanyang harapan.

“Ang lalim nang iniisip mo! Bubulung-bulong ka pa. Malayo pa ako ay kita na kita. Ikaw naman, kasalubong mo na ako ay hindi mo pa rin ako napapansin. Bakit, sino bang mapalad na lalaki ang iniisip mo?”
Kinabahan si Emmalyn. Parang nahulaan ni Rando ang laman ng kanyang isip.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

8 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 2”

  • 1 -_yatz_- says:
    March 9, 2009 at 11:19 am

    wala na ba kasunod

  • 2 jalugznd says:
    March 9, 2009 at 11:00 pm

    sis…asan na ung next chapter?

  • 3 Martha says:
    March 9, 2009 at 11:02 pm

    bukas na po yung next chapter, sobrang busy kasi sa office eh, :(

  • 4 carmela says:
    March 10, 2009 at 4:24 pm

    curious ako sa story. sana may kasunod pa

  • 5 prettygurl says:
    July 24, 2009 at 9:10 am

    mas lalo aq0h n0h ang ganda kzi eh…..sis martha my kasunod pa bah i2………..thankzsy
    love yah all

  • 6 Djbhanqsz says:
    September 13, 2010 at 10:22 am

    hello qanda nq story paki add acoh s fb nioh ??

    [email protected]

    [email protected]

    tnx !!!

  • 7 rose says:
    September 17, 2010 at 7:22 pm

    ano vah yan bitin talaga uhhhhhhhhhhhhhmmmmmmmmmmm

  • 8 mar says:
    February 7, 2011 at 8:33 pm

    @ martha question lng poh bkt poh ang sabi nang una sa burger house na pnagtatrabhuhan nia mkkla c rando? Eh bkt kapit bahay ni betty hnd naman nia don nklala sa burger house dba?!hmp,,

Mag-iwan ng mensahe...