Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 2

“At ano po ang ginagawa n’yo rito?”

“Kakain sana ako sa burger house na pinapasukan n’yo ni Betty. At saka… kasi, gusto kong makita ka.”

“Ikaw, pulos kalokohan! Sige, mauuna na ako sa ‘yo!”

“Teka! Saan ka pupunta? Akala ko ba’y me trabaho ka ngayon?”

“Off ko pala ngayon. Kanina lang sinabi sa akin.”

“Good!” tuwang-tuwa si Rando. “Matutuloy ang treat ko sa ‘yo! Saan mo gustong kumain? Huwag doon sa burger house n’yo. I’m sure na sawang-sawa na kayo sa mga pagkaing ipinagbibili n’yo roon.”

“Rando, gusto ko na kasing umuwi…”

“Emmalyn, pagbigyan mo naman ako. Tutal wala ka naman palang pasok.”At saka, sayang ang pagkakataong ito.”

“Hindi naman ako nagugutom, eh. Sayang lang ang oorderin mong pagkain at ang pera mo.”

“Kahit ba juice lang, eh, basta mailibre lang kita!”

Hindi nakaimik si Emmalyn. Napabuntung-hininga at napasulyap sa malayo.

“Sige na… Please?”

“Sandali lang tayo, ha?”

“Oo. Kahit thirty mmutes lang. Gusto kong magkausap tayo.”

“At ano naman ang pag-uusapan natin?”

“Marami. Tungkol sa iyo. Tungkol sa akin. Just to get to know each other better. Di ba sabi mo, ayaw mong sumama kanino mang lalaki dahil hindi mo lubos na kilala?”

SA isang class na restoran dinala ni Rando ang dalaga. Ang kotse ng binata ay ipinarada sa isang car park. Noon lang nakakita ng paradahan ng mga kotse na nasa itaas ng gusali si Emmalyn. At noon lang din siya nakapasok sa ganoong uri ng restoran.

Lubhang magalang at malilinis ang mga waiters. Piling-pili sila. Lahat ay may itsura. At lahat ay naka-uniporme ng puting polo barong at pantalong itim.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

8 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 2”

  • 1 -_yatz_- says:
    March 9, 2009 at 11:19 am

    wala na ba kasunod

  • 2 jalugznd says:
    March 9, 2009 at 11:00 pm

    sis…asan na ung next chapter?

  • 3 Martha says:
    March 9, 2009 at 11:02 pm

    bukas na po yung next chapter, sobrang busy kasi sa office eh, :(

  • 4 carmela says:
    March 10, 2009 at 4:24 pm

    curious ako sa story. sana may kasunod pa

  • 5 prettygurl says:
    July 24, 2009 at 9:10 am

    mas lalo aq0h n0h ang ganda kzi eh…..sis martha my kasunod pa bah i2………..thankzsy
    love yah all

  • 6 Djbhanqsz says:
    September 13, 2010 at 10:22 am

    hello qanda nq story paki add acoh s fb nioh ??

    [email protected]

    [email protected]

    tnx !!!

  • 7 rose says:
    September 17, 2010 at 7:22 pm

    ano vah yan bitin talaga uhhhhhhhhhhhhhmmmmmmmmmmm

  • 8 mar says:
    February 7, 2011 at 8:33 pm

    @ martha question lng poh bkt poh ang sabi nang una sa burger house na pnagtatrabhuhan nia mkkla c rando? Eh bkt kapit bahay ni betty hnd naman nia don nklala sa burger house dba?!hmp,,

Mag-iwan ng mensahe...