Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 4

“Past one na. Halos hindi mo nagalaw ang hapunan mo kanina. Dinalhan kita nito.” wika ni Betty sa kaibigan.

Ngumiti si Emmalyn. Napaka-thoughtful ng kaibigan niya. Naisip niya.

“Salamat, Betz!”

“Uy, ginagaya mo si Rando ha. Betz na rin ang tawag mo sa akin.”

“Papaano, magmula nang magkakilala tayo ay wala kang palayaw. Tamang-tama naman ang Betz na palayaw sa iyo ni Rando.”

“Sige, kainin mo na at inumin ito. Manghihina ka pag gising mo bukas pag hindi mo nilagyan ng laman ang sikmura mo.”

“Sige, ilagay mo na lang diyan…”

“Hindi ako matutulog hanggang hindi mo kinakain itong mga sandwiches at cookies at iniinom itong gatas.”

“Hindi ako umiinom ng gatas, Betz. Nakapagpapataba ‘yan.”

“Skimmed milk ito, Emmy! Sagana sa protina pero walang fats.”

Dinampot ni Betty ang isang sandwich at ang baso ng skimmed milk at iniabot kay Emmalyn.

“O, yariin mo na ‘to. Dehins ako malologtu hanggang dehins mo ‘to na-eengkalayt!”

“Ano?” sabay na napabulalas ng tawa ang dalawa.

“Ayos ba, Tsong? Halata bang laking lansangan?”

“Betz!” nagtatawa pa rin si Emmalyn. Nahampas sa braso ang kaibigan. “Saan ka natuto ng salitang kanto?”

“Napatira kami noon sa isang squatters area, baka akala mo. Doon ko naririnig ang mga salitang ganoon.”

Kinuha ni Emmalyn ang sandwich at baso ng gatas na iniaabot ni Betty.

“Hindi ko mauubos ito.”

Kumuha ng isang sandwich si Betty. “Sige, kakain din ako.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

Mag-iwan ng mensahe...