Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5

“AYOKO nang uminom nung tranquilizer na ibinigay sa akin ni Doktora Abastillas!” humihikab pang wika ni Tita Azon habang papalapit sa hapag kainan na inaayos nina Betty at Emmalyn.

“Kasama ng gamot mo ‘yan, di ba?” si Betty. “Nakakatulong iyon para bumaba ang presyon ng dugo mo.”

“Oo nga, pero maaga akong nakakatulog at tanghali na kung ako ay magising.”

“Tita, mabuti nga ho iyon para makapagpahinga kayo nang husto. Ang pahinga ay nakakatulong para bumaba ang presyon ng dugo.” wika naman ni Emmalyn.

“Ayoko naman ng lagi na lang nakahiga. Parang lalo akong nanghihina kapag wala akong ginagawa.”

“Iyan ang masama sa inyo, Tita. Sobra ang sipag ninyo.” si Betty uli. “Masama sa inyo ang mapagod. Tataas ang presyon ng dugo n’yo.”

“Nakakabagot naman ang walang ginagawa…”

“Si Tita, ang tigas ng ulo Sige, baka mapadali ang buhay n’yo!” nakangiti pero nakairap si Betty.

“Maupo ho kayo, Tita. Nakahanda na ang almusal.” nakangiting anyaya ni Emmalyn.

“Bakit kayong dalawa ang naghahanda ng almusal? Nasaan si Enriqueta?”

“Naglalaba, Tita. Kayang-kaya na namin ni Emmy ang paghahanda ng almusal.” ani Betty na ipinagkakanaw ng skimmed milk ang tiyahin.

“Hindi naman kami mga senyorita sa bahay na ito, Tita. Lalo na ako, dapat akong gumawa sa loob ng bahay. Makaganti man lang ako kahit na kaunti sa mga kabutihang ipinakikita n’yo sa akin.” si Emmalyn.

“Batang ito, kung anuano’ng iniisip. Hindi ka naman dapat gumawa ng kahit ano rito sa loob ng pamamahay. Sapat na iyong may kasama kami ni Betty. Tingnan mo, mula nang tumira ka dito ay naging masaya na kaming magtiya.”

Siyang pag-alsa ng mga tinapay na tino-toast mula sa isang bread toaster. Kinuha iyon ni Emmalyn at pinahiran ng mango jelly. Muli namang nilagyan ng tinapay ni Betty ang toaster.

“Ang toast n’yo, Tita.” idinulot ni Emmalyn ang tinostang tinapay.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 7:03 pm

    ang ganda xcitin’ thanks ms martha!

  • 2 charmz says:
    February 13, 2011 at 4:22 am

    bOnGgA! pG aQ aNg iNayA Ni aDriAn nA mGpKsaL kHt aLanG bYaD OkEi LnG! kHt xAn cMbHaN p yAn!!

  • 3 Aishtecaye says:
    May 24, 2011 at 11:08 pm

    Maganda sa yung concept kaso ang daming ligoy ng kwento.

  • 4 serenity029 says:
    August 6, 2011 at 11:15 pm

    kawawa nmn c rando,,hehe

  • 5 rubyaloc says:
    May 30, 2012 at 2:26 am

    ganda..

Mag-iwan ng mensahe...