Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5

“Bigla ko lang naalala ang mga magulang at mga kapatid ko sa probinsiya. Natanggap na kaya nila ang sulat ko? Bakit kaya hindi sila sumasagot?”

“Ay! Nabanggit mo ang sulat. Me sulat ka nga pala. Dumating kahapon. Ibibigay ko sana sa iyo ika ko pag-uwi mo, pero maaga akong nakatulog.” at umakmang tatayo si Tita Azon.

“Ako na ho’ng kukuha!” masaya at excited si Emmalyn. “Saan ho ba nakalagay?”

“Hayun, sa ibabaw ng reprihidora. Doon ko naipatong.” nakaturo ang daliri ng mabait na tiyahin ni Betty.

Halos patakbong tinungo ni Emmalyn ang kusina. Napapitlag ang puso ng dalaga nang makita ang sulat na nakapatong sa ibabaw ng reprihidora. Agad nitong binasa ang nasa ibabaw ng sobre. Galing iyon sa kanilang probinsiya. Pangalan ng kapatid niyang binata ang nakasulat sa gawing kaliwang itaas ng sobre.

Agad binuksan ni Emmalyn ang sulat. At habang lumalakad na pabalik sa kumedor ay binabasa.

Malungkot si Emmalyn nang maupo. Kulimlim ang mukha. Naglaho ang kangina’y nadaramang kasiglahan.

“Bakit?” hindi naiwasang magtanong ni Betty.

“May sakit si nanay. Si kuya Erick ang sumulat. Kailangan daw iluwas dito sa Maynila. Dapat operahan bago lumala ang kanyang sakit.”

“Aba, eh di paluwasin mo na sila agad.” nag-aalalang wika ni Tita Azon.

“Eh… hindi ho ganoon kadali.” halos mautal sa pagsasalita si Emmalyn. “Nangangahulugang kakailanganin namin ang malaking halaga. Isa pa’y magiging problema rin ang magiging tirahan nina Kuya at Itay.”

“Kung wala silang pamasahe sa pagluwas, mapapahiram kita.” mabait talaga si Tita Azon. “Puwede ring dito na muna tumigil ang Itay at ang Kuya mo.”

“Naku, maraming-maraming salamat, Tita. Pero hindi ko pa rin sila mapaluluwas. Saan ako kukuha ng ibabayad sa operasyon?”

“Pababayaan mo na lang ba ang ina mo sa kalagayan niya? Paluwasin mo na sila at gagawan natin ng paraan.” giit ni Tita Azon.

“Nakakahiya sa inyo, Tita… Nakikitira na nga ako rito ay magiging pabigat pa ang aking –”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 7:03 pm

    ang ganda xcitin’ thanks ms martha!

  • 2 charmz says:
    February 13, 2011 at 4:22 am

    bOnGgA! pG aQ aNg iNayA Ni aDriAn nA mGpKsaL kHt aLanG bYaD OkEi LnG! kHt xAn cMbHaN p yAn!!

  • 3 Aishtecaye says:
    May 24, 2011 at 11:08 pm

    Maganda sa yung concept kaso ang daming ligoy ng kwento.

  • 4 serenity029 says:
    August 6, 2011 at 11:15 pm

    kawawa nmn c rando,,hehe

  • 5 rubyaloc says:
    May 30, 2012 at 2:26 am

    ganda..

Mag-iwan ng mensahe...