Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5

“Siya rin ang naisip ko. Siya ang makakalutas sa problema mo, Emmy! Di ba ang sabi mo’y bibigyan ka ng isang milyon basta magpakasal ka lamang sa kanya?”

“Oo. Pero,totoo kaya iyon? Ganoon ba siya kayaman?”

“Ano ang malay natin?”

“Pakakasalan ko siya kahit wala akong gusto sa kanya?”

“Mahalaga pa ba ang pag-ibig kaysa buhay ng iyong ina?”

“Lahat ay gagawin ko alang-alang kay Nanay.”

“Saan mo makikita si Adrian eh hindi mo naman alam kung saan nakatira”’

“Pihong nasa burger house ‘yon.”

“Hindi ka naman puwedeng magpakita roon dahil sinabi kong me sakit ka. Papaano ngayon? Ano’ng gagawin natin?”

“Si Rando! Baka makatulong din si Rando! Patay na patay sa iyo ‘yon.”

“Ayokong magmulestiya sa kanya. Tiyak na iisipin niyang sinasamantala ko siya komo nanliligaw siya sa akin.”

“Kung papayag ka… ikaw na lang ang makipagkita kay Adrian. Maghihintay na lang ako sa isang lugar na kung saan ay puwede kaming mag-usap.”

“Maaari ba namang hindi ako pumayag? Ito po, napakaarte!” nakairap, kinurot ni Betty ang kaibigan.

Sa isang bookstore na di-kalayuan sa burger house nagpaiwan si Emmalyn. Doon ay nagkunwaring nagbra-browse ng mga libro. Habang binubuklat-buklat ang mga pahina ng mga aklat ay si Adrian ang laman ng isip.

Hindi nagtagal ay bumalik si Betty. Agad namang sinalubong ni Emmalyn.

“Wala. Iginala kong mabuti ang mga mata ko sa loob pero talagang wala si Adrian.”

Lumungkot ang mukha ni Emmalyn. “Baka nagalit dahil bigla kong nilayasan.”

“Mamayang gabi, babalik ako. Tiyak na pupunta iyon mamayang gabi.”

Malungkot si Emmalyn nang pumasok sila ni Betty sa gate ng kanilang tirahan.

“Huwag kang mawalan ng pag-asa. May awa ang Diyos.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 7:03 pm

    ang ganda xcitin’ thanks ms martha!

  • 2 charmz says:
    February 13, 2011 at 4:22 am

    bOnGgA! pG aQ aNg iNayA Ni aDriAn nA mGpKsaL kHt aLanG bYaD OkEi LnG! kHt xAn cMbHaN p yAn!!

  • 3 Aishtecaye says:
    May 24, 2011 at 11:08 pm

    Maganda sa yung concept kaso ang daming ligoy ng kwento.

  • 4 serenity029 says:
    August 6, 2011 at 11:15 pm

    kawawa nmn c rando,,hehe

  • 5 rubyaloc says:
    May 30, 2012 at 2:26 am

    ganda..

Mag-iwan ng mensahe...