Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5

“Nice to meet you, Betty!” nakangiting wika ni Adrian. “Ito naman si Delio Gamboa, sekretaryo ko.” ang payat na lalaking nakasalamin at katabi niya sa sofa ang in-introduce naman ni Adrian. Nginitian lamang nina Emmalyn at Betty si Delio.

Isang minuto halos ang nagdaan bago nagsalitang muli si Adrian.

“Gusto ko sanang maging pribado ang pag-uusap, Emmy, pero kung gusto mong may makarinig ay okey lang sa akin.”

“Bestfriend ko si Betty. Wala kaming ipinaglilihim sa isa’t isa.”

“Siyanga pala, kumusta na ang pakiramdam mo? May sakit ka raw. Kung kailangan mong magpa-confine ay sabihin mo lang. Libre ka sa kahit saang ospital na gusto mo.”

“Wala na akong sakit. Nagamot na.” tipid ang ngiti ni Emmalyn. Nagpalitan sila ni Betty ng makahulugang tingin.

“Buweno, gusto kong malaman kung pumapayag ka sa offer ko. Magpakasal ka lang sa akin ay isang milyon ang mapupunta sa iyo.” hindi ngumingiti si Adrian. Serious.

“Bakit?” hindi na rin ngumingiti si Emmalyn.

“Matutuwa ang father ko kapag nagpakasal tayo. Bibigyan niya ako ng malaking puhunan sa negosyo.”

“Papaanong matutuwa ang ama mo ay hindi pa niya ako nakikita at nakikilala?”

“Nakita ka ng papa ko sa pictures.”

“Pictures?” nagtaka si Emmalyn. “Hindi ka naman humihingi sa akin at hindi rin kita binibigyan ng kahit isa man lang. Papaanong–”

“Sorry pero panakaw na pinakunan kita ng pictures. Huwag ka sanang magagalit.”

Napabuntunghininga at napakagat-labi ang dalaga. Nagkatinginan sila ni Betty. Napangiti ang huli. “So, kunwa-kunwarian lang ang kasal natin. Sa madaling salita, fake!”

“Gaya ng sinabi mo noon, wala kang pag-ibig sa akin at wala akong pag-ibig sa iyo. Na ayaw mong magpakasal sa isang lalaking hindi mo iniibig kaya fake lang ang kasal natin.”

“Fake naman pala, eh… pumayag kana. Lutas na ang problema mo.” binulungan lang ni Betty si Emmalyn.

“Ano ang sagot mo, Emmy? Pumapayag ka ba?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 7:03 pm

    ang ganda xcitin’ thanks ms martha!

  • 2 charmz says:
    February 13, 2011 at 4:22 am

    bOnGgA! pG aQ aNg iNayA Ni aDriAn nA mGpKsaL kHt aLanG bYaD OkEi LnG! kHt xAn cMbHaN p yAn!!

  • 3 Aishtecaye says:
    May 24, 2011 at 11:08 pm

    Maganda sa yung concept kaso ang daming ligoy ng kwento.

  • 4 serenity029 says:
    August 6, 2011 at 11:15 pm

    kawawa nmn c rando,,hehe

  • 5 rubyaloc says:
    May 30, 2012 at 2:26 am

    ganda..

Mag-iwan ng mensahe...