Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5

“Pag-iisipan ko munang mabuti.”

Pagkasabi niyon ay tumayo na si Emmalyn, pahiwatig na pinaaalis na niya ang mga panauhin.

“Kailan ko malalaman ang sagot mo?”

“Basta malalaman mo. Iwan mo sa akin ang buo mong pangalan, address at telepono.”

Sinenyasan ni Adrian si Delio. Agad namang isinulat ng sekretaryo ang buong pangalan, address at numero ng telepono ni Adrian. Iniabot kay Emmalyn.

“Magpapaalam na kami. Hihintayin ko ang tawag mo. Anytime na gusto mong makipag-usap, just let me know.”

Tumango si Emmalyn. Hindi ngumingiti.

“Good morning, everybody!” masaya at malakas ang tinig ni Rando. Napatingin sa kanya ang apat.

“How is my beautiful inspiration this wonderful morning?” bati pa rin ni Rando na ang sinabi’y sadyang ipinarinig kay Adrian.

Walang mababakas na anumang damdamin sa mukha ni Adrian pero nilingon nito si Emmalyn. Waring inaalam kung ano ang reaksiyon ng dalaga sa bagong dating na binata.

Inihatid nina Emmaiyn at Betty hanggang sa bukana ng gate sina Adrian at ang sekretaryo niyon.

Nanlaki ang mga mata ni Betty nang makita ang sinakyan ng dalawa. Pinaka-latest na modelo ng Mercedes Benz. Maging si Rando ay humanga sa magandang sasakyan ni Adrian.

“Mayaman pala talaga si Adrian!” naisip ni Betty.

Iba ang laman ng isip ni Emmalyn. Pagkalito sa maaaring kasuungan niya at ang kanyang inang maysakit.

“Dibdiban na ang ginagawang panliligaw sa ‘yo ng kumag na iyon, ah!” nasambit ni Rando.

Parang hindi siya narinig ng dalawang dalaga. Kumaway sina Emmalyn at Betty kina Adrian at Delio na kumakaway din nang umusad ang magarang sasakyan.

Hinabol pa ng tingin ni Betty ang lumayong Mercedes Benz. Si Emmalyn ay nagbalik na agad sa bahay. Sumunod si Rando.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 7:03 pm

    ang ganda xcitin’ thanks ms martha!

  • 2 charmz says:
    February 13, 2011 at 4:22 am

    bOnGgA! pG aQ aNg iNayA Ni aDriAn nA mGpKsaL kHt aLanG bYaD OkEi LnG! kHt xAn cMbHaN p yAn!!

  • 3 Aishtecaye says:
    May 24, 2011 at 11:08 pm

    Maganda sa yung concept kaso ang daming ligoy ng kwento.

  • 4 serenity029 says:
    August 6, 2011 at 11:15 pm

    kawawa nmn c rando,,hehe

  • 5 rubyaloc says:
    May 30, 2012 at 2:26 am

    ganda..

Mag-iwan ng mensahe...