Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9

TUWANG-TUWA si Don Alejandro nang ipakalong sa kanya ni Adrian ang sanggol. Niyakap at pinaghahalikan.

“Kamukhang-kamukha ko pala ang apo ko!” bakas na bakas sa mukha ng matanda ang nag-uumapaw na kaligayahan.

“Marami kayong apo sa mga kapatid ko sa una ninyong asawa, pero hindi ko kayo nakitang niyakap o hinalikan n’yo ang isa man lang sa kanila.”

“Adrian, papaano ko namang mamahalin ang mga apo ko sa tatlo kong anak sa una, eh sadya namang inilalayo nila sa akin ang mga apo ko. Papaano’y galit sila. Galit dahil mahal na mahal ko ang Mama mo at saka ikaw. Ako man ay galit sa kanila dahil gayong patay na ang mommy nila ay ayaw ka pa rin nilang kilalaning kapatid nila. Magkadugo kayo. Iisa ang inyong pinagmulan! Ako! Isa pa’y wala silang alam gawin kundi ang dulutan ako ng sama ng loob.”

“Sorry kung nagawa kong gisingin ang galit sa dibdib mo, Papa. Aliwin mo na ang galit at hinanakit sa puso mo. Nagiging dahilan iyon ng pagkakasakit ng isang tao.”

“Dahil nga sa iyo ay maligayang-maligaya ako ngayon, anak. Binigyan mo na ako ng napakaganda at napakabait na manugang ay pinagkalooban mo pa ako ng isang pagkaganda-gandang apo!”

Muling niyakap at pinupog ng halik ni Don Alejandro ang sanggol.

Awang-awa naman sina Emmalyn at Adrian habang nakatingin sa matanda. Nagi-guilty tuloy si Emmalyn. Sinasabi ng budhi niya na niloloko lang niya ang ama ng lalaking pinakasalan niya.

“Tinulungan ako ni Adrian kaya tinulungan ko rin siya. Ang isang milyong pisong ibinigay niya sa akin ay labis-labis para sa pagpapagamot at pagpapagaling sa aking pinakamamahal na ina.” ito ang laman ng isip ni Emmalyn habang pinapanood ang pagyakap at paghalik ni Don Alejandro sa sanggol ni Mildred.

Si Adrian nama’y ginigiyagis din ng kanyang konsensiya. Ang lahat ng ginagawa nila ni Emmalyn ay isang malaking palabas. Puwede ngang sabihing pang-acting award ang mga ginagawa nila. Napapaniwala nila nang lubusan na anak nila ang bata at sila’y nagmamahalan.

Nang araw ding iyon ay ibinigay nang lahat ni Don Alejandro ang halagang kailangan ni Adrian sa binabalak itayong negosyo. Dinagdagan pa.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 8:04 pm

    nakakainis tlaga un madaldal na katulong! pero infairness mganda sya, suspense ang dating.. ^^

    • 2 Martha says:
      July 14, 2009 at 5:19 pm

      hihihi salamat naman at nasiyahan ka Godes :-)

  • 3 angel says:
    December 30, 2009 at 8:40 am

    kainis naman yun ka2long… nila….
    perO
    hehehe… super nice .ang s2ry
    more power & god bless!!!!

  • 4 vey says:
    December 1, 2010 at 2:33 pm

    tatanga -tanga nman ka2long nila… sarap sabunutan… hehehe…

  • 5 .nindkong says:
    October 7, 2011 at 8:48 pm

    wwaaaahhh~!!!!!!!
    exciting~!!!!!!!!!! x]p

Mag-iwan ng mensahe...