Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9

“Beynte milyones ang tsekeng ‘yan.” masayang wika ni Don Alejandro.

“Papa, diyes milyones lang ang hinihiram ko. Binigyan mo na ako ng limang milyon kanina…”

“Naisip kong kulang ang sampung milyong piso para ipagpatayo ng negosyo. Iba na ‘yang mahaba ang pisi mo.”

“Salamat, Papa! Maraming-maraming salamat.” inakbayan at niyakap ni Adrian ang kanyang ama.

“Oras na kumita agad ako’y ibabalik ko rin agad ang halagang ipinahiram mo.”

“Wala ka nang dapat bayaran, Iho. Bigay ko sa iyo ang puhunang iyon. At narito, hawak ko na ang tubo. Ang cute na cute na apo ko!”

Nakadama ng panlulumo at matinding pagkahabag si Adrian at si Emmalyn. Buhus na buhos ang loob ng matanda sa inaakalang tunay na apo.

“Papaano kung matuklasan ni Don Alejandro na hindi pala niya apo ang sanggol?” iisa ang nasa isip nina Emmalyn at Adrian. “Madudurog ang puso ng matanda. Kasusuklaman silang dalawa. Baka isumpa.”

ABALA sa pag-aayos ng kanyang kuwarto si Betty nang kumiriring ang telepono.

“Baka si Emmy na ‘yan ” si Tita Azon “Ang sabi kanina nang kaunin si baby boy ay tatawagan ka raw. ”

Nguni’t ibang tinig ang napakinggan ni Betty sa awditibo.

“Betty! Itago mo ang aking anak. Ilayo mo!” umiiyak si Mildred, bakas sa tinig ang matinding takot.

“Mildred! Bakit? Nasaan ka?”

“Ewan ko kung anong lugar ito. Basta’t pagkakita ko dito sa telephone booth ikaw agad ang naisip ko. Nung gabing magtungo ako riyan ay nasundan pala ako ni Digno.

Kinabukasan ay hinarang ako sa pag-alis ko riyan. Pilit akong ipinagsama sa maruming kuwartong tinutuluyan niya. Araw at gabi’y binugbog ako. Pinapaamin kung saan ko itinago ang aming anak.”

Napa-Diyos ko! si Betty.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 8:04 pm

    nakakainis tlaga un madaldal na katulong! pero infairness mganda sya, suspense ang dating.. ^^

    • 2 Martha says:
      July 14, 2009 at 5:19 pm

      hihihi salamat naman at nasiyahan ka Godes :-)

  • 3 angel says:
    December 30, 2009 at 8:40 am

    kainis naman yun ka2long… nila….
    perO
    hehehe… super nice .ang s2ry
    more power & god bless!!!!

  • 4 vey says:
    December 1, 2010 at 2:33 pm

    tatanga -tanga nman ka2long nila… sarap sabunutan… hehehe…

  • 5 .nindkong says:
    October 7, 2011 at 8:48 pm

    wwaaaahhh~!!!!!!!
    exciting~!!!!!!!!!! x]p

Mag-iwan ng mensahe...