Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9

“Baka pinutol ng tarantadong addict na iyon ang linya natin?”

Magkakasama ang tatlong babae na lumabas ng gate. Nang tingalain nila ang poste ay putol nga ang linya ng kanilang telepono.

Kapwa nanlumo at nasindak ang magtiya.

“Papaanong naakyat ng walanghiyang ‘yon ang poste?”

“Baka may sa-pusa!”

ABALA sa pag-iimpake sina Adrian at Emmalyn. Iminungkahi ni Don Alejandro na yamang ayaw nang mag-honeymoon ng mga bagong kasal ay magpapalipas na lang sila ng dalawang linggo sa kanilang bahay-bakasyunan sa Tagaytay.

“Ang mga damit mo?” tanong ni Don Alejandro nang makitang walang inilalagay na damit sa isang munting bag. “Baka nasa bahay ninyo, dadaanan na lang natin.”

“Huwag na ho. Tama na itong suot ko at saka itong dalawang t-shirt, isang pantalong maong at isang pares na sneakers” pilit ngumingiting wika ni Emmalyn. Kinakabahan ang dalaga sa maaaring mangyari sa kanila ni Adrian pagtigil nila sa bahay bakasyunan sa Tagaytay.

“Ibibili ko na lang siya on the way to Tagaytay, Papa.” wika naman ni Adrian.

“Oo nga pala, marami naman tayong madaraanang department stores. Kahit sumaglit muna tayo sa SM.”

“Ibibili ko na rin ng mga damit, feeding bottles at gatas si Andro.”

“Oo. Naiwan nga pala ang mga gamit niya sa bahay nina Emmy.”

Matapos pagbilinang mabuti ang mga katulong ay nagyaya nang umalis si Don Alejandro. Mas excited siya kaysa kina Emmalyn at Adrian.

Papalabas na ng pinto ang tatlo, kasama ang baby at isang katulong na babae ay biglang kumiriring ang telepono.

Si Adrian ang sumagot.

“Emmy, para sa ‘yo. Si Betty”

“Betty, mabuti at tumawag ka. Kanina pa ako kumokontak sa inyo pero parang sira yata ang phone ninyo.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 8:04 pm

    nakakainis tlaga un madaldal na katulong! pero infairness mganda sya, suspense ang dating.. ^^

    • 2 Martha says:
      July 14, 2009 at 5:19 pm

      hihihi salamat naman at nasiyahan ka Godes :-)

  • 3 angel says:
    December 30, 2009 at 8:40 am

    kainis naman yun ka2long… nila….
    perO
    hehehe… super nice .ang s2ry
    more power & god bless!!!!

  • 4 vey says:
    December 1, 2010 at 2:33 pm

    tatanga -tanga nman ka2long nila… sarap sabunutan… hehehe…

  • 5 .nindkong says:
    October 7, 2011 at 8:48 pm

    wwaaaahhh~!!!!!!!
    exciting~!!!!!!!!!! x]p

Mag-iwan ng mensahe...