Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 3

NAG-INAT pa si Dominic nang magising, pagkuwa’y agad siyang nag-shower at lumabas sa kanyang silid.

Magje-jetski siya sa araw na ito kaya inihanda na niya ang gagamitin.

Nagkape lang siya at lumabas sa resthouse. Pero agad ding natigilan nang masulyapan ang swing na bakal.

May tao! Sino kaya iyon?

Marahan ang ginawang paghakbang ng binata hanggang makalapit sa swing, bahagya pa siyang napapitlag nang makilala ito.

Ang babaeng nagtitinda ng pusit kahapon. Narito na naman pala siya. Siguro ay mag-aalok na naman ng kanyang huling isda, pero mukhang antuk na antok, ah.

Hindi napigilan ng binata ang mapangiti.

Ngiting bihirang sumungaw sa kanyang mga labi dahil sa pagkaseryoso sa buhay.

Napailing ang binata, nahalata din niya ang sarili. Kahapon ay napangiti din siya ng lihim ng babaeng ito. Ngayon ay muli siyang napangiti dahil lang nakita ito sa mahimbing na pagtulog.

Nagiging madalas na yata ang kanyang pagngiti?

Kaya lalong hindi maintindihan ni Dominic kung bakit mas naging magaan ang kanyang pakiramdam ngayong muli itong nakita.

Nalibang siyang titigan ito.

IYONG PAKIRAMDAM na may mga matang nakatitig sa kanya ang naging dahilan para siya maalimpungatan, pabigla siyang nagmulat ng mga mata.

“Ay, g-gising na pala kayo!” napaayos nang upo si Jackie nang makita ang taong sadya sa lugar na iyon.

“Bakit diyan ka natutulog? Anong ginagawa mo rito?” pormal ang mukhang tanong nito.

“Ah, hindi ho ba’t nagpapadala kayo ng isda? May mga nahuli ho kasi ako. K-kaya lang, natutulog pa kayo kanina kaya hinintay ko kayong magising. Baka kasi magalit kayo kapag nasira ang tulog ninyo.”

“Ganoon ba? Nasaan ba ang mga huli mo?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

9 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 3”

  • 1 dionabeth says:
    July 30, 2009 at 4:43 am

    mganda tlaga po ang kwento araw araw k nga tinitingna if may bgo ng episode

  • 2 Godes says:
    July 30, 2009 at 7:05 pm

    soooobbraaang ganda grabbeee…. me too evryday kong chine check haaayy thank u!

  • 3 Jenter says:
    August 11, 2009 at 1:34 am

    Ay!yari n ang vlis.ah.pero super ganda & super ka2kilig.more pa po plz plz tnx.dbezt kau nkakaadic tlga hahaha

  • 4 Rissa Panaligan says:
    August 20, 2009 at 1:43 am

    ganda wAH

  • 5 angel says:
    December 28, 2009 at 9:34 am

    ahhah:)))
    gnda naman…

  • 6 Arianne says:
    March 17, 2010 at 6:55 am

    Hello ho, sa inyong lahat!

    Pwede ho bang malaman kung hanggang saang kabanata ito matatapos?
    .,ang ganda naman, super………..

  • 7 Arianne says:
    March 17, 2010 at 6:56 am

    kahit hindi ko pa natapos.

  • 8 emma says:
    July 26, 2010 at 8:54 am

    ang ganda talaga galing galing

  • 9 rowena says:
    October 5, 2010 at 1:11 pm

    i really like it… i wish i could finish reading it the soonest!

Mag-iwan ng mensahe...