Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 5

Iyak nang iyak si Jackie ng gabing iyon. Pakiwari niya ay ang liit-liit ng tingin niya sa sarili dahil sa kagagahang nagawa.

Akalain mong ipag-alukan niya ang sarili sa guwapo at mayamang lalaki iyon?

Kasi naman, ang hirap-hirap ng buhay namin dito, eh. Kasi naman, ang tamad-tamad ng tatay ko! Ako pa ang inaasahang gumawa ng mga bagay na dapat ay lalaki ang gagawa. Kung hindi siguro siya ganoon, hindi ako magkakaganito.

Pero anuman ang sabihin niya sa sarili, huli na, nasabi na niya, nagawa na niya ang malaking kahihiyan na iyon.

Isa na lang ang kanyang konsolasyon, aalis na sa resthouse nito ang binata, hindi na niya makikita, hindi na sila magkikita.

At isa pa, siya lang naman at ito ang nakakaalam ng ginawa niya. Hindi na niya iyon sasabihin kay Rita.

Kaya naman kahit na paano, nakatulog na rin ang dalaga.

At kinabukasan, balik na naman siya sa pamamalakaya sa karagatan dahil lasing na naman ang kanyang tatay.

“KUMUSTA ang bakasyon?” kaswal na tanong ni Morris.

“Heto, nangitim.” Naupo na si Dominic sa kanyang swivel chair at sumandal matapos ipatong sa mahogany table ang dalang attache case.

Bahagyang kumunot ang noo ni Morris dahil tila kulang sa sigla ang pinsan.

“Kuya Dom, may problema ka ba? May nangyari ba sa resthouse mo?”

“Ha? Ano kamo?” Napapitlag pa siya sa tanong nito.

“Ang sabi ko, may nangyari ba sa bakasyon mo?”

“Nangyari? Wala! Ano naman ang mangyayari?”

“Ewan ko sa iyo. Dati naman kasi ay hindi ka ganyan pagdating mo rito kapag nagbabakasyon ka.” Dati ay parang mas masigla ka pagdating mo rito. Para bang ready ka nang magtrabaho uli ng walang pahinga. Pero ngayon… you look pale. Parang wala kang sigla.”

Muling natigilan si Dominic.

Mga Pahina: 1 2 3 4

12 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 5”

  • 1 rayne says:
    July 30, 2009 at 4:13 pm

    sana po bukas may upload uli kayong bagong kabanata…thanks……….nakakbitin po kasi….

  • 2 fire says:
    July 30, 2009 at 6:21 pm

    ms.writer paki upload na yung susunod asap..

  • 3 fire says:
    July 30, 2009 at 6:31 pm

    please naman sana may upload na agad. Hay…bitin

  • 4 Godes says:
    July 30, 2009 at 7:23 pm

    grabbbeee na to! ang ganda at supeerrr bitin!!!!
    wwaaaahhh ilan day ulit ako maghihintay?
    sana po di msyadong mtagal… naku thank u tlaga!
    sana pagselosin un lalaki ng bongang bonga lol…

  • 5 kay says:
    July 30, 2009 at 10:33 pm

    naku kakabitin naman…sana next chapter na po..ehehehe salamat po ang ganda ng story..goodluck po.

  • 6 dionabeths says:
    July 31, 2009 at 2:21 pm

    da best m yong love by the rules sana po araw araw ang chpater magnda po tlaga.and i like the lay out its look refreshing and beautiful

  • 7 myviper says:
    August 2, 2009 at 1:25 pm

    cool…,.,.,,.
    exciting po nabasahn sna myron pang kasunod,,,
    i lke it wah..,.,.,,.,..,,.

  • 8 pakats says:
    October 25, 2009 at 8:51 pm

    nabasa ko na ito sa pocketbook…d ko lang maalala kung wat title…bsta im sure,ganitong ganito ang story

  • 9 vhAncE_23 says:
    November 6, 2009 at 9:22 am

    ..=mE tOo..

    i aLrEady rEAd dS stOry..

    whEn i wAs iN thE

    phiLippinEs…

    i hOpiNg nA snA

    mbAsA cUe xiA uL8/…

    tNx… God At

    my wEbsiTe…

    nA tAgALog nOvELs….

    mOrE stOry tO writE…

    tNx.. ng mdAmE…..

    mUah….
    ….

  • 10 jhane says:
    March 9, 2010 at 10:36 am

    hai poh ms. writer ang ganda ng story ang kzu bitin.jejeje.

  • 11 "RM20" says:
    November 5, 2010 at 10:02 am

    Ang lakas ng l00b ni jackie. . . Hehehehe kak2wa aman xia. . . . . .xana ganyan din aku mlakax ang l00b . . .mlaki tiwla xa xarili . . . .

  • 12 eunjae says:
    November 7, 2010 at 9:32 am

    ou nga .. Lakes ng fighting spirit ahehehe…. I hopei can do also what Jackie did!!!:))

Mag-iwan ng mensahe...