Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 8

NGITNGIT na ngitngit si Dominic habang hinuhuli nang titig ang mga mata ni Jackie, at sa minsang pagsulyap nito sa kanya ay ipinakita niya ang inis.

Anong ginagawa mo sa tabi ng napapanot ng congressman na iyan, ha? Akala ko ba’y ako ang aakitin mo para ma-in love ako sa iyo! sigaw ng kanyang utak.

Pero tinimpi niya ang sarili na sugurin ang mga ito. Alam ng binata na wala siyang karapatan.

Gayunpaman, sa magdamag na iyon ay nanatili lang siyang nakamasid sa mga ito.

Mayamaya ay napaunat siya nang tayo, nakita kasi ng binata na nakubli na sa backstage ang mga ito.

Saan sila pupunta? Bakit nakaalalay pa sa siko niya ang lalaking iyon?

Inis na nakipagsiksikan si Dominic sa mga tao para makarating sa backstage.

Pero hindi na niya nakita ang mga ito.

Gigil na umuwi na lang ang binata, bukas ay mas madali na niyang mahahanap ang dalaga na Jackie pala ang pangalan. Mas madali nang ipagtanong kung saan ang bahay ng nanalong mutya ng dagat, kaysa magtanong kung saan ang bahay ng anak ng lasenggerong si Mang Joseph.

Gayunpaman, naging mailap pa rin kay Dominic ang antok.

Ang ganda pala talaga niya, lalo na kapag naayusan. Pero bakit naman kasi kung an-ano ang pinagsasabi niya ng araw na iyon, nagmukha tuloy siyang luka-luka? Pero bindi bale, hihingi talaga ako ng sorry sa kanya kapag nagkausap na kami. Sana naman, mawala na ang galit niya sa akin.

Nakatulugan na ng binata ang balaking iyon.

“AH, SI, JACKIE? Doon sa dulo ng aplaya, iyong dalawang balangkas na bahay na gawa sa pawid at sawali. Iyong medyo nakagiray na dahil nadaanan ng bagyo noong nakaraang buwan. Iyon ang bahay nila,” wika ng babaeng napagtanungan ni Dominic.

“Ah, salamat ho! Sige ho.”

“Salamat din. Hay, ang guwapo!”

Nangiti na lang siya sa papuri nito, pagkuwa’y pinaandar na ang kanyang kotse para hanapin na ang bahay na tinutukoy nito.

Mga Pahina: 1 2 3 4

12 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 8”

  • 1 kay says:
    August 2, 2009 at 9:57 am

    ang ganda po talaga…next chapter na!!! salamat ulit sa pagpost…goodluck po… :)

  • 2 bunny says:
    August 2, 2009 at 11:30 am

    bitin naman eh :( kilig na kilig ako grabe

  • 3 MiMi says:
    August 2, 2009 at 12:51 pm

    bitin po eh.wah..

  • 4 Godes says:
    August 2, 2009 at 8:52 pm

    aaayyy grabbbeee…. kinikilig akoooo!!!!!!!!!
    pero napapansin ko paiksi ng paiksi un chapters ha.. heheee…. 4 pages na lang…wwwaaaaaaaaahhhhh……. pero infairness maganda sya suuuppeerrr!!!!!!! Sana po pahabain yo nman hehehee… kabitin tlagaa

  • 5 lonely prince says:
    August 4, 2009 at 6:53 pm

    ang ganda ganda!!!! suuuuuuuuuuuuuuper!!!
    kinikilig po me….. minsan lang ako makabasa ng mga love novels…. at itong kwentong ito ay napakaganda…. sana po maging madalas ung pagpost nyo taz mejo pahabain ninyo po kasi mejo nakakabitin…. tnx po… good luck…. hope God will give u more ideas to make this story nicer…. =>

  • 6 vhAncE_23 says:
    November 6, 2009 at 10:41 am

    kiLig tO d’ mAxx….

  • 7 angeliquediane says:
    April 22, 2010 at 4:09 am

    i really love you, writer..<3

  • 8 "RM20" says:
    November 5, 2010 at 10:22 am

    Ang cpg at ang bait aman ni jackie. . . Kc tinu2lungan yung family nia kh8 xa kakaunting pera. . Ibinbhagi parin nia e2 xa mga mgulng nia. . .

  • 9 lanelyn says:
    December 9, 2010 at 3:35 pm

    my gosh parng naluluka na rin ako sa sobrang ganda!!!!

  • 10 zaicy says:
    August 29, 2012 at 3:45 pm

    bitin naman

  • 11 Zaunacco says:
    September 4, 2012 at 5:56 pm

    Hello … how are you “D

  • 12 Zaunacco says:
    September 4, 2012 at 5:56 pm

    Saan d2 maGandang basahin? yung may thrill kung baga :D D ayeeeyyy ..

Mag-iwan ng mensahe...