Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 4

Nagpatuloy naman ang dalaga na nakataas pa rin ang noo. “Ang akin lang naman kasi, may mga paraan naman ng pagtulong na hindi dependency o parasitical. Iyon bang isusubo na lamang sa amin ang kakainin namin. Kahit mga bata lamang ang sangkot sa feeding season na ito, hindi natin dapat ipagwalang bahala na sa mga edad nilang iyan ay naroroon ang formative factor. Nahuhubog sila ng mga ginagawa natin. Paano kung masanay sila na umasa na lamang na pakakainin sila nang madalas nang libre? Hindi ba, negative trait iyang palaasa, palahintay ng ibibigay?”

Hindi maaaring basta mapasang-ayon si Francis sa argumento ni Nevada.

Siya ay under ng Cancer zodiac sign.

Likas na sa mga Cancerians ang nurturing na pag-uugali. Gusto nilang magkaloob, mag-alaga, magbigay. Masaya sila kung sila ang aasahan.

Kaya sumalag siya kaagad. “What’s wrong with giving and taking? Hindi naman sa ipinagmamalaki ko, pero alam naman natin na kaming mga taga-Salvacion ay maraming sobra. Ang sobra ay inililipat sa kulang. At hindi dapat na ituring na mali ang tumanggap. Hindi kasalanan ng mga bata sa Awitan ang kakapusan ng kanilang mga magulang. Hindi rin natin ito masasabing kasalanan ng mga magulang. The world is not perfect. Walang pantay na timbangan ang mundo. Ang pagpapantay ay nasa pagbibigay ng nagkaroon ng mas marami.”

Nakatayo na rin si Francis at nakatutok ang mga mata kay Nevada.

Pareho silang hindi kumukurap ng dalaga.

Parehong matatag sa kanilang paniniwala. Nagpapatigasan sila ng titig.

Nakatanga naman ang mga kagawad. Unti-unti nilang nauunawaan na ang dalawang batang barangay captains ay hindi pala magkatugma ng panuntunan.

Ngayon lamang lumilinaw sa kanila na sa unang pagkakataon mula nang magkaroon ng alliance ang Barangay Awitan at Barangay Salvacion, ay nagkaroon ng dalawang lider na parehong may kanya-kanyang estilo ng pagtupad sa kanilang responsibilidad.

At nagpipingkian ang estilo ng dalawa.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

5 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 4”

  • 1 frianne says:
    March 5, 2010 at 5:18 pm

    Wow, i like this.. ok ang storya, ok ang pagkasulat..

  • 2 janica says:
    April 19, 2010 at 8:31 pm
  • 3 janica says:
    April 19, 2010 at 8:31 pm

    wow nmn … ahahaha..

  • 4 whena says:
    May 30, 2010 at 1:31 am

    ang galin naman nakakawala ng stress….

  • 5 saira says:
    January 29, 2011 at 6:12 am

    parang sabong lang hehehe ,.,.

Mag-iwan ng mensahe...