Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 5

Uupo pa lamang sana sa bench si Francis nang tumunog ang kanyang cellphone.

“Hello?”

“Francis, si Kagawad Johnny ito. Nasabi na ba sa iyo ang tungkol sa tambak ng basura na nasa boundary ng Awitan at Salvacion? Nagrereklamo ang misis ko dahil malapit kami dito kaya amoy na amoy. Pupuntahan ko na at aalamin kung sino ang nagtatambak. Pero sigurado ako, mga taga-Awitan. Alangan namang mga taga-Forbes Place ang nagtatapon doon?” Matanda lamang nang konti si Kagawad Johnny kay Francis. Mabait ito pero madali namang mainis kapag may nakikitang mali.

“Late afternoon ko na ito nabalitaan kahapon, Kagawad Johnny. I had a long day yesterday at the office, kaya hindi ko pa ito naharap. And today is Sunday, my precious day. Wala sana akong balak mamrublema sa kahit anumang trabaho ngayon. Pero ganyang napeperhuwisyo kayo, I guess, dapat ko itong harapin kahit araw ng aking pahinga. Sige, Johnny, magkita na lamang tayo doon. Naririto ako sa clubhouse pero pupunta na ako doon kaagad.”

Napapailing sa pagkadismaya si Francis. Call of duty, hindi siya maaaring tumanggi.

Nagpaalam muna siya kina Jonvi, Ian, Lorenzo at Larux.

“Kapag dumating si Michael, sabihin n’yo na lang, sorry. Hindi maaaring hindi ko puntahan yong basurang problema ngayon ng Forbes Place. Pero. babalik din naman kaagad ako. Maka-kapaglaro pa siguro kami.”

“Kung sino ang matatalo dito, si Michael na lang ang papalit, so he stilt can play, Francis. Don’t worry, we can manage.”

Tinapik-tapik ni Lorenzo sa balikat si Francis, halatang naaawa dahil kahit araw ng pahinga ay kailangan pang maistorbo ang kanilang kaibigan.

Nagmamadali nang sumakay si Francis sa kanyang CR-V na ang kulay ay itim. Wala pang sampung minuto ay naroroon na siya sa boundary ng dalawang barangay. Pero may nauuna na pala roon. May nakaparada na ngang lumang owner type na jeep.

At ang kaagad na bumungad sa mga mata ni Francis ay ang nakamaong at naka-t-shirt lang ng white cotton na si Nevada. Kilala rin niya ang kasama nitong matanda, si Kagawad Tino. Nagbatian pa nga sila ni Kagawad Tino, nagkangitian. Pero sila ni Nevada ay nagtanguan lang, walang ngiti kahit konti.

Lumapit siya kay Nevada. “Bukas pa ang koleksiyon ng basura. Puwede kong sabihin sa mga naaapektuhang taga-Salvacion na magtiis muna hanggang bukas. Pero ang dapat ay hindi na rin ito maulit. May ideya ka na ba kung sino sa inyo ang nagtatambak ng basura dito?”

Kaagad ay defensive na si Nevada para sa kanyang mga ka-barangay. “Mr. Legaspi, nakakasiguro ka na kaagad na ang gumawa nito ay taga-amin?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

3 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 5”

  • 1 yas says:
    June 1, 2009 at 3:42 pm

    what a nice story!!!!!!!!!!!!!

  • 2 chica_15 says:
    February 28, 2010 at 4:05 pm

    …ang ganda sna gwa pa phoe kyo ng mdmi hehehe….!!!

  • 3 pazawaiy_19 says:
    January 13, 2012 at 7:25 pm

    uhm. .2 storie nlang ung nde que pa nba2sa sna mgkaruon pa ng bg0ng storie dito nde kc aque mkapasuc dun sa bg0ng site niu iih. , =(

Mag-iwan ng mensahe...