Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 6

NANG pumarada ang sasakyan ni Francis sa harap ng bahay nina Nevada ay ilang kagawad ang nakakita at nakakilala sa kanya. Naglapitan kaagad ang mga ito. At naikuwento naman nina Nevada at Kagawad Tino ang nangyari.

Mainit ang pagtanggap ng mga taga-Awitan kay Francis. Para sa kanila, nindi naman isyu ang basura doon sa boundary ng Awitan at Salvacion.

Wala pa ring dapat na pagdiskusyunan ang mga taga-Awitan at taga-Salvacion.

Bumaba na rin ang mga magulang ni Nevada at talagang ayaw pumayag na hindi muna pumanhik si Francis sa kanilang bahay para makakain man lamang ng meryenda.

Nasisiyahan namang nagpaunlak ang barrio captain ng Salvacion.

“Pasensiya ka na sa liit ng bahay namin, ha, Francis?” Ang tono naman ni Bernardo Carreon ay hindi nahihiya o nanliliit.

“Hayaan mo, masarap namang meryenda ang ipapakain namin sa iyo. Ginataang mais at malamig na tubig ng buko,” sabi naman ng nanay ni Nevada.

Si Nevada ay nakikisali na rin sa pag-istima sa kanilang hindi inaasahang bisita.

At hindi na niya sinisimangutan si Francis. Dahil pamamahay nila ito, dapat lang na maging hospitable naman siya.

“Maupo ka muna.” Itinuro ni Nevada kay Francis ang sopa nang nakangiti.

Napatingin sa kanya nang matagal si Francis.

Nagtaka tuloy si Nevada. “O, bakit?”

Ngumiti muna si Francis bago sumagot. “Nagulat lang ako. Mula kasi nang muli tayong magkita ay ngayon mo lang ako nagawang ngitian.”

Natigilan si Nevada.

Siya man ay nagulat din. Lalo na at alam naman niyang kusang lumabas ang ngiting iyon, hindi iyon pinilit o pinlano.

“Hindi naman tayo magkaaway, a. Natural lang iyong mapapangiti rin ako sa iyo,” nasabi na lamang niya sa binata.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

One Response to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 6”

  • 1 George G. Kelz says:
    January 14, 2010 at 2:18 pm

    h ei!>:)

Mag-iwan ng mensahe...