Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 8

Amoy malinis pa rin ba kahit nabasa ng pawis?

Sana naman, hindi na napansin ni Francis, nailagay na kaagad sa labahan. Halos kaloob-Ioobang privacy na niya iyon at mamamatay yata siya sa hiya kung iyon ay mapipintasan pa ng binata.

Magdamag na halos hindi nakatulog si Nevada. Itinabi na rin niya ang T-shirt ni Francis. Katwiran niya, ayaw niyang mahawa ito ng amoy sa iba pang maruming damit sa lagayan nila.

At bukas ay siya ang maglalaba nito. Iingatan niya ang paglalaba, hindi dapat masira. Para kung ibalik niya kay Francis, maayos.

Kinabukasan din ay tumawag si Nevada sa barangay hall ng Salvacion. Nagbaka-sakaling naroon si Francis.

Naroroon nga ang binata. Nagkausap sila.

Ilang na ilang sila sa usapang iyon.

“F-Francis, ang T-shirt mo ang nadala ko…”

“O-oo nga, e. Napansin ko rin…”

“N-nilabhan ko na. Ipadadala ko na lang siguro diyan sa barangay hall ninyo, babalutin ko nang maayos.”

“Kuwan, ang T-shirt mo, nilabhan na rin sa bahay. Ipadadala ko rin siguro sa inyo, babalutin ko rin nang maayos.”

“Thankyou…”

“Thank you din…”

“Sige, F-Francis…”

“S-sige, Nevada…”

Teka muna, paano mo nga pala nalaman na T-shirt ko pala iyon?”

“I just knew it… Ikaw, paano mo naman nalaman na T-shirt ko pala iyon?”

“I just knew it, too, Francis.”

Sabay silang nagbaba ng telepono. Sabay din nilang naisip na hindi nila malalaman na nagkapalit sila ng T-shirt kung hindi nila sininghot ito nang husto.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

8 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 8”

  • 1 divine vergara says:
    March 4, 2009 at 7:13 pm

    ??

  • 2 Martha says:
    March 5, 2009 at 1:02 am

    bakit po?

  • 3 angel says:
    December 31, 2009 at 5:31 pm

    nice…*)

  • 4 George G. Kelz says:
    January 14, 2010 at 1:37 pm

    hehe nice!

  • 5 jonusher_02 says:
    April 14, 2010 at 7:09 am

    + so nice..

  • 6 chris says:
    August 15, 2010 at 4:30 pm

    ganda nman

  • 7 ylaban says:
    December 8, 2010 at 11:53 am

    ..nice, i love it.

  • 8 .nindkong says:
    October 7, 2011 at 6:37 am

    ang ganda~!!!!! i love it~~ <3 x))

Mag-iwan ng mensahe...