
Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 2
“Sa’n ba talaga?” Nakakunot na ang noo ni Aleli nang itanong uli ‘yun.
“Sa Pampanga.”
Napaangat ang isang kilay ng babae.
“Me magandang hotel ba du’n?”
“Hindi tayo magho-hotel, ‘no?”
“E, ano ‘tong tutuluyan natin?”
“Sarili nating bahay. Ipinagawa ko bago tayo ikasal.”
“Ibig mong sabihin du’n na tayo titira nang palagian?”
“Hindi a…du’n lang tayo magha-hanimun mga isang buwan.”
“Sa’n lugar naman sa Pampanga?”
“Sa Bacolor.”
Umanyong nag-iisip si Aleli pagkasabi ni Randy sa lugar na pupuntahan nila. Wari’y hinahagilap nito sa isipan kung narinig na niya ang lugar.
“Bacolor…? Hindi ba ‘yun ang isa sa lugar na ni-lahar?”
“Nadale mo! ‘Yunnga!”
“Magha-honeymoon tayo sa gitna ng lahar?”
Ang tawa ni Randy.
“Nagpatayo ako ng isang bahay kubo du’n sa isang lugar na natabunan ng lahar.”
“Di ibig mong sabihin, ang bahay kubong sinasabi mo ay nakatayo sa gitna ang parang disyertong lugar?”
“Ganu’n na nga. Palanas ang buong paligid nu’n. Walang kabahay-bahay?”
Nangingiti si Aleli habang binubuo nito sa isipan ang tinabunan ng lahar. “Ibang klase, a.”
“Nagustuhan mo ba ang ideya?” Nakangiting tanong ni Randy na nilinga ang asawa.
“Medyo… Kakaiba nga.”
Nagustohan mo ba ang kwento na ito? Kung ang sagot mo ay "Oo", bakit hindi mo ipakita ang iyong suporta sa website na ito?
Halika at ipakita ang iyong pagmamahal sa pamamagitan ng iisang munting donasyon na galing sa puso. Ang lahat po na matatanggap na donasyon ay gagamitin po sa taunan at buwanang budget para sa pagre-renew ng domain name taon-taon, website hosting, at sa monthly maintenance.
Maraming salamat po at sana'y kiligin pa kayong lalo sa mga kuwentong talagang nakaka-inlab!
♥ Tagapangasiwa ♥
Mag-iwan ng mensahe...
You must be logged in to post a comment.
2 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 2”
August 18, 2009 at 9:43 am
ang ganda ng pagkagawa nito dapat parangaran ang writer.ang ganda kahit di ko p talaga natatapos alam kong mganda.:)
July 17, 2010 at 2:11 pm
hi! it’s a nice story!!!…