Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 3

Gising pa pala.

“Alin?”

“‘Yung amoy kandila.”

Natiyak niya na hindi nga pala siya nagkakamali ng amoy. Naamoy na rin pala ito ng asawa.

“Oo, naaamoy ko.”

“Sa’n kaya nanggagaling ‘yun?”

Hindi siya sumagot. Wala kasi siyang mahagilap na isasagot doon. Hindi niya rin alam kung saan nanggagaling ‘yun. ‘Yun nga rin ang pinag-iisipan niya ngayon.

“Randy, sa’n kako nanggagaling ang amoy na ‘yun,” ulit na tanong ng asawa na may kasunod pang siko sa tagiliran niya.

“Hindi ko nga alam.”

“Ano ba namang bahay ‘to, kabagu-bago, kung anu-ano nang naririnig natin at naaamoy.”

Ayaw niyang sabihin na baka may nagmumulto. Hindi ganu’n ang iniisip niya pero ‘yun ang nabubuo ngayon sa kanyang isipan.

“Matulog na lang tayo. ‘Wag mo nang pansinin ‘yun,” sabi na lang niya sa asawa.

“Pa’no akong makakatulog nito, amoy na amoy ang sangsang ng amoy ng kandila ”

“Dedmahin mo na lang,” birong sagot niya na sinundan ng mahinang tawa.

Hindi kumibo si Aleli, pero alam niyang nakikiramdam ito sa anumang mangyayari sa susunod, tulad ng pakiramdam niya ngayon.

Unti-unting naglalaho ang amoy ng kandila. Parang bang hinihigop ‘yun ng bahay kubo.

“Nawawala na, a,” ani Aleli.

“Oo nga.”

“Gaano bang kalayo rito ang kasunod na baryo?”

“Ba’t mo naitanong?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

5 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 3”

  • 1 anne09_rf says:
    March 29, 2010 at 2:22 pm

    yayks…mjo nkakatakot na ang scene..hehe

  • 2 anne08 says:
    July 23, 2010 at 8:21 am

    nkakatakot!!!huuhuh!!!

  • 3 jerrica says:
    September 3, 2010 at 12:21 pm

    nakakatakot.

  • 4 maricel_uoya says:
    July 21, 2011 at 12:04 pm

    hehe nakakatakot

  • 5 eam says:
    October 18, 2011 at 3:26 am

    It’s gettin more xcitin

Mag-iwan ng mensahe...